Kabanata 9

1101 Words
Pilit na pinipigilan ni Selena ang mga luhang gustong-gusto nang kumawala sa kaniyang mga mata. Akay-akay niya ang bata palabas ng kwarto nang huminto ito, at tiningala ang dalaga. "Bakit?" tanong niya habang kinokontrol ang pagpiyok dahil sa nakabara na kung ano sa lalamunan. Hindi kumibo si East, at nananatiling nakatitig sa kaniyang mukha. Ngumiti siya ng mapait dito, at bumaba para makaharap ang gwapong mukha ng alaga. "Mag-be-behave ka roon. Lalo na sa Uncle mo, lagi mo siyang pakikinggan." "At lagi ka rin mag-iingat," Hinaplos ni Selena ang noo, at ang buhok ng alaga. Ginagawa niya ang lahat para hindi tuluyang humagulgol sa harap nito. Pero sa totoo lang ay parang dinudurog ang puso niya dahil sa gabing ito ay hindi na niya makatatabi sa pagtulog si East. "You take care, Aunt Selena," tipid na sagot nito, at kumurba ang ngiting siguradong unang-una niyang mami-miss. Hindi na napigilan ni Selena ang sarili, at buong pagmamahal na niyakap ang bata. Iniyuko niya ang ulo sa isa sa mga balikat nito, at hindi na pinigilan ang sariling umiyak. Hindi pa man nakaaalis si East ay nami-miss na niya ito. Sa pitong taon na siya ang kasama ng bata ay natural na sigurong maramdam niya ang ang ganitong attachment sa alaga. Dahil inalagaan, pinrotektahan at minahal niya ito ng higit pa sa sariling laman at dugo. Nang mag-angat ng mukha si Selena ay aksidente niyang nakita ang tiyuhin ni East. Pirming nakatayo, at pinanonood sila na parang isang drama sa telebisyon. Agad siyang nagpunas ng luha, at tumindig. Sandali pa niyang inalis ang mga mata rito bago inayos ang sarili. Pormal na naglakad si North sa pwesto ng pamangkin, at ang tagapag-alaga nito. Lihim niyang sinulyapan ang dalagang pilit na inaayos ang itsura. Nang salubungin nito ang tingin niya ay mabilis siyang umiwas. Pinukol niya ang atensyon sa pamangkin, at ngumiti ng tipid dito. "East, I'm sorry. But, you can go back to that room and put your bag aside." Parang hindi narinig ni Selena ang sinabi ni North. Matulin siyang bumaling sa mukha ng binata. Kahit na nakatitig ito sa pamangkin ay kita niya sa sulok ng mga mata nito na pinakikiramdaman din siya. "What do you mean by that, Uncle?" takang-tanong naman ng bata. Hinawakan ni North ang ulo ng pamangkin, at ginulo ng marahan ang buhok nito. Sinilip niya kunwari ang suot na relo. "It's a bit late for you to travel, so I'll just take you home tommorow." "Is that fine with you, buddy?" usisa niya habang nakangiti ng matamis dito. Nagniningning naman ang mga mata ni East, at nilinga si Selena. Wala man sabihin ang bata ay nababasa nila sa mga mata nito ang labis na saya dahil sa simple niyang pagpayag. "Go ahead. Go to your room!" maikling tawa, at utos ng binata sa pamangkin. Sinundan ni Selena ng tingin ang alaga na patakbong pumasok sa kwarto. Kahit papaano ay gumaan ang loob niya. Pero awtomatiko siyang napakunotnoo nang maalala ang tiyuhin nitong kaharap. Dahan-dahang siyang humarap dito. Ngunit katulad niya ay nakatitig pa rin ito sa pinto kung saan pumasok ang bata. Nagdesisyon siyang magsalita para matawag ang pansin nito. "Sa-salamat," nahihiya niyang bigkas. "For what?" nagtatakang anyong tanong ni North bago sinalubong ang tingin ng dalaga. Napalunok siya nang magtama ang mga mata nila. Ngayon niya lang napansin ang kulay tsokolate nitong mga mata. May mahahaba, makakapal na pilik at ang mga kilay nitong itim na itim. Kung tutuusin ay hindi karaniwan o ordinaryo ang mukha ng tiyuhin ng alaga. Mas gwapo pa nga ito sa mga lokal na artistang napanood niya sa t.v. Matangkad, malapad ang dibdib, ganoon na rin ang mga maselan nitong balikat. Sa tantiya niya ay nasa anim na piye ito o higit pa. Makinis, at mapula-pula ang kutis. Ang ilong, pangarap ng lahat kung gaano iyon katangos. May kanto rin ang mga panga nito. Bumaba ang tingin ni Selena sa labi ng binata. At wala sa sariling napalunok siya ng hirap na hirap. Iyon na yata ang pinakamapula, at nakaaakit na labi ang nasilayan niya sa tala ng kaniyang buhay- "Miss Ortega," pangatlong tawag sa pangalan ni North sa nakatulalang dalaga. "H-ha?" "Ano?" "Bakit?" Nagkakandabulol na sagot niya, at parang nahipan ng hangin ang nagkakasala niyang mga mata. Kailan pa siya humanga sa pisikal na anyo ng lalaki? Ilang beses na pinilig ni Selena ang ulo umaasang mawala sa utak ang kalokohang nasa isip. Inutusan niya ang sariling kumalma, at maging pormal sa harap nito. "Ang sabi ko, salamat," kahit sinikap niyang maging kaswal ang boses ay naging maliit pa rin iyon, at halatang nahihiya. "Just to make it clear, I did not do that for you." Natigilan siya sa pambabara nito sa kaniya. At walang emosyong sinalubong muli sa pangalawang pagkakataon ang mga nangungusap na mga mata nito. "I didn't do it for you." "If I had to choose, I would rather bring my nephew home," pagkaklaro ni North habang walang alinlangan na nakikipagsukatan ng tingin sa kaharap. "Aside from late na. I know, East, doesn't wanna go." Tumango-tango si Selena bilang pag-sang ayon niya sa sinabi nito. Nararamdaman niya rin na hindi pa handa ang alaga na umalis, at iwan siya. Nabuhay naman sa puso niya ang lungkot. "He can sleep here but I have to stay too." Agad siyang nagtaas ng mukha habang may iilang malalim na linya sa noo. Wala pa rin ekspresyon ang binata. "Anong sabi mo?" paulit niya dahil baka mali siya ng narinig. "I will sleep here with him-" "Hindi! Hindi pwede!" bayolenteng asik ng dalaga habang dilat na dilat ang mga mata. "You have no choice to deal with, Miss Ortega," kaswal na tugon nito, at tila nagmamalaking nagkibit-balikat. "At bakit wala akong pagpipilian?" "Apartment ko ito at may karapatan-" "I don't trust you!" matigas na putol ni North kay Selena na nakapagpatigil dito. Naglakad palapit sa kaniya ang tiyuhin ng alaga. At nang wala ng distansiya ang nguso ng kanilang mga sapin sa paa ay tuwid niya itong tinitigan sa mga mata. "I don't confide you." "We'll never know, sa oras na iwan ko si East sa iyo ngayong gabi. Magkakaroon ka ng chance para itakas ulit ang pamangkin ko." "Ulit?" naiirita niyang ulit, binigyang linaw ang salita habang hindi nagpapatinag sa titigan sa binata. "Yes, again," sarkastiko ng wika ni North. "Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na wala akong kinalaman sa nangyari, at itinakas ko ang bata dahil iyon lang ang paraan para mailigtas siya," pilit niyang paunawa rito. "I don't believe you!" singhal nito sa mukha niya na ikinapikit ng kaniyang mga mata na nag-uumpisa nang mag-ulap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD