Sinulyapan ni North ang dalagang inaayos ang pagkakasuot ng uniform ng pamangkin. Nakaluhod pa ito sa bata, habang nilalapat nang maigi ang kwelyo nito. "Heto na po ang lunch box ni East!" anunsyo ni Manang Garing nang makalapit sa sala. Nakangiting tumayo si Selena, at akmang aabutin iyon nang mawala sa paningin niya. Nang luminga siya ay ang amo niya ang kumuha no'n. "Let's go, East." "Sandali lang!" Habol niya. Huminto, pagkaraan ay humarap ito sa kaniya habang kahawak-kamay ang bata. "Why?" tanong nito. Hindi siya nagsalita pero sapat na ang reaksyon niya para maiparating kung anon'g gusto niyang sabihin. "We already talked about this last night." "Teka, seryoso ba 'yon?" hindi niya makapaniwala tanong. "Mukha ba akong nagjo-joke?" mas galaiti nitong sambit habang pilit na d

