"Saan mo gustong pumunta?" pinasigla ni Selena ang boses nang harapin si Greg. Huminto ito sa paglalakad, at seryosong siyang tiningnan. "Alam ko na sinabi mo lang iyon para hindi ka sumabay kay North." Namutla yata siya sa isinagot ng kaibigan. Sinubukan niyang linisin ang nanunuyong lalamunan. "Pa-pasensiya na," hinging dispensa niya. Nakita niya ang pag-ngiti nang mapait ni Greg. Mukhang nagdamdam ito sa ginawa niya. "Pero sabihin mo pa rin kung saan mo gustong pumunta. Sasamahan kita," patuloy niyang pagbawi rito. Natigilan ang dalaga nang abutin ni Greg ang magkabilang kamay niya. Napakurap siya, at sinalubong ang malungkot nitong tingin. "Alam ko naman na lamang sa akin si North kahit saan mo tingnan-" "Greg, hindi sa ganoon," pagtatama niya. Hindi naman niya naiisip na mas

