Kabanata 84: You're fired, Anna

1228 Words

"Ano? Hindi pa ba uuwi 'yong ahas na iyon?" naiinip na sambit ni Kiray habang naghihintay sa ibaba ng hagdan. Kasalukuyang nasa veranda si North at Anna, doon ipinagpatuloy ng mga ito ang trabaho. Alas-sais na ng gabi ay mukhang hindi pa natatapos ang dalawa. "Kiray," mahinang singhap ni Selena nang hilahin siya sa pulsuhan ni Kiray nang umibis siya ng silid ni East. Pinatulog niya na ang alaga. Kaya lumabas na siya ng kwarto nito. "Halika, silipin natin 'yong dalawa." Walang tunog ang ilang yabag nila palapit sa veranda. Dinala siya ng dalagita sa tagong puwesto. Doon sila nagkubli, at sumilip sa dalawa. Ganoon pa rin ang posisyon ni Anna at North. Magkatabi sa upuan, ang binatang amo ay seryoso pa rin ang imahe. "Tingnan mo si Ana-conda, haggard na," natatawang bulong ni Kiray ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD