"Jesus!" Halos mapabalikwas si North sa higaan nang masilayan si Kiray. Narinig niya kasi ang katok, at pagbukas ng pinto. "Gulat na gulat lang?" naiinis na aniya ng dalagitang may dalang tray ng pagkain, ganoon na rin ang gamot. Hawak niya ang noo nang bumangon paupo. Inaasahan niyang ang babysitter ng pamangkin ang makikita niya, at magdadala ng kailangan niya sa kaniyang kwarto. Nakaismid ang dalagitang kasambahay nang ipatong sa side table ang dala-dala. "Bakit ikaw?" hindi napigilang usisa ni North nang tingnan si Kiray. Humarap ito, at humalukipkip sa kaniya. "Anong bakit ako?" "Sir, sa tingin ninyo, pagkatapos kayong maaktuhan ni Selena na may ka-chuchakan e. Pagsisilbihan niya pa rin kayo?" "Sir, alam ko mataba 'yang utak ninyo. Try ninyong gamitin iyon ngayon." Nakataas

