"Teka lang, Kiray." Pinigilan ni Selena ang kamay ng dalagita na may ilalagay na kung ano sa tasa ng kape ni Anna. "Relax." "Pampa-ebaks lang 'to." Kahit hindi niya gustong bitiwan ang kamay ni Kiray ay naalis pa rin nito. Ipinagpatuloy nito ang pagtaktak ng laman ng isang sachet. "Akala niya, ha?" "Madali akong magagapi?" "Isa pa 'yan, si Papi North e." "Pinagtatanggol pa 'yong Anna-conda na 'yon," Nakangusong sambit nito habang hinahalo ang tasa ng kutsara. Halos magtapon-tapon iyon sa mesa dahil sa gigil na paraan nang paghahalo ng dalagita. Naalala niya tuloy ang naramdaman kanina. Rinig niya ang pagtatanggol ni North kay Anna. Nakagat niya ang ibabang bahagi ng labi. Maling maramdaman niya 'yong bigat na mayroon siya sa kalooban. Tama ang ginawa ng amo. "Okay na 'to." "S

