Kabanata 77: BFF

1222 Words

Iminulat ni North ang mga mata. Awtomatiko siyang napangiti nang magisnan ang magandang mukha ni Selena na iilang agwat lamang ang layo sa kaniya. Maingat niyang kinuha ang ilang hibla ng buhok ng dalagang nasa gilid ng mukha nito. Hinila niya iyon bago inipit sa tenga. Ito na yata ang pinakamagandang umaga na nagising siya. Nasa harapan niya ang babaeng nagbibigay ngayon ng kulay sa mundo niya. Seryosong tiningnan niya ito. Pero hindi ba medyo unfair siya rito? Nahahalikan, nayayakap niya, at nakatatabi sa pagtulog pero wala naman silang malinaw na relasyon. At sa kaniya dapat iyon unang manggaling. Kung ano sila. Kung ano'ng mayroon sa kanila. Hinagkan ni North sa noo si Selena. Pagkaraan tahimik na bumangon paupo. May kinuha siyang isang sticky note, at nagsimulang magsulat. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD