"Table for Mr. Castellana," pormal na bungad ni Kellan nang salubungin sila ng isang waiter sa isang mamahaling Asian restaurant. "This way, Sir and Ma'am." Nagpatiuna itong naglakad na sinundan naman nila Selena. Abot-abot ang nerbiyos niya. Ang tunog ng suot niyang may kataasang sandals ay sumasabay sa mabilis na pintig ng kaniyang puso. Bumabaon ang mga kuko niya sa daliri sa hawak niya ngayon bag. Idagdag pa ang malamig na malamig na temperatura sa loob ng tahimik na restaurant. Ipinag-usod siya ni Kellan ng silya. Ngumiti siya, at tumingala rito. "Salamat, Kellan." "Sa labas lang ako," sagot ng binata. "Sandali lang," pigil ng dalaga. Huminto si Kellan sa pagpihit, at hinintay ang sasabihin niya. Lumunok siya sandali, tuyong-tuyo ang kaniyang lalamunan. "Wala bang ibang binil

