Sinasawata ni Selena ang sarili na pigilan ang binata na maglakad paalis. Nakangiwi siya habang nakapako pa rin ang mga mata rito. Baka isipin nito ay siya pa itong nag-iinarte. Siya na nga ang babantayan. Nagsasalpukan ang mga kilay ni North habang nangigigil ang histura. Napahiya pa siya, bakit kasi pumayag pa siya ngayon na bantayan ito? E, pwede naman nga niyang iutos na lamang sa ibang tauhan. Huminto sa paglalakad si North nang may kumatok sa pinto, at nang bumukas ay tumabad sa kaniya ang dalawang pulis. "Magandang gabi po," bati ng mga ito. Tumango naman ang binata. Sandaling tumanaw ito sa loob ng silid bago binalikan siya ng tingin. "Gising na po ba si Miss. Ortega?" tanong ng kasama nitong isa pa. "Yes, she is." "May kasama po ba siyang pamilya sa loob?" Awang ang bibi

