Mabigat ang bawat pagtapak ni North habang naglalakad sa hallway ng hospital. Bawat galaw niya ay nadadagdagan ng bigat ang kalooban niya. Sa hindi malamang dahilan. Napatingin siya sa pamangkin na nauunang maglakad. Sigurado siyang pareho o mas may dinadamdam ito. "Uncle Hawk." Huminto siya sa paglalakad nang humarap ang pamangkin. Inosenteng-inosente ang mukha nitong nakatingala sa kaniya. Tumaas ang magkabilang kilay niya para hintayin ang sasabihin nito. "Can you stay here for Aunt Selena?" Napalunok si North sa pakiusap ni East. Pero mas nanaig sa kaniya ang pagkapanatag sa hinihiling nito. Lumapit pa ito sa kaniya, at inabot ang kaniyang kamay. "I know, sinasabi niya lang na may makasasama siya para umalis na tayo. Kahit ang totoo ay wala naman talaga." Bumaba ang binata, at

