Acutus’ POV Napabalikwas ako ng bangon nang dahil sa isang masamang panaginip. Tiningnan ko ang babaeng kasalukuyang nahihimbing sa aking tabi. Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa kaniyang mukha pagkaraan ay inayos ang kumot na bumabalot sa kaniyang katawan. Dahan-dahan akong tumingin sa kalangitan at pinagmasdan ang liwanag ng buwan. Nararamdaman kong may kung anong enerhiya ang nagsisimulang lumakas. Hindi ako mapakali lalo pa at hindi maganda ang kutob ko sa mangyayari. Hindi ko man matukoy kung ano ito ngunit nakatitiyak akong malapit na itong maganap. Muli kong nilingon si Nitidus at hindi ko naiwasang mangamba lalo pa at nararamdaman ko ang unti-unting pagbabago sa kaniya. Ang nalalapit na cieri. Posible kayang may kinalaman ito sa kakaibang kutob na nararamdaman ko? Posi

