Nitidus’ POV “Sa wakas, nalalapit na ang paglabas ng cieri. Nararamdaman ko na ang walang hanggang kapangyarihan.” Sumalampak ako ng upo sa gilid ng kama habang pinakikinggan ang saloobin ng aking repleksyon sa salamin. Hindi lingid sa aking kaalaman na ang paglabas ng cieri ang siyang pinakahihintay nito upang maisakatuparan ang ninanais nitong Kalayaan. Sa paglakas ng kapangyarihan ng mga yaman ng Sugatzu ay mabibigyan sila ng laya na mas pagtibayin ang kanilang lakas na nagmumula sa liwanag ng pulang buwan. Ngunit sa kabaligtaran nito ay ang tuluyang pagsakop nito sa aking katawan batay na hindi nalalaman ni Acutus at pilit kong inililihim sa kaniya. “Sa tingin mo ba ay ganoon kadali lamang akong makapapayag sa mga nais mong mangyari?” tanong ko sa kaniya at pinagkrus ang ak

