“Ginoong… Lux…” Napakunot ang noo ni Immitis nang makita ang seryosong mukha ng dalawang taong iniwan niya kani-kanina lang. Hindi niya naiwasang mapaisip na may kung anong nangyari sa dalawa habang wala siya. “May problema ba?” Kasunod ni Immitis ay sumilip naman ang kaniyang kapatid na kaagad namang napansin ni Lux. “Cres?” Tumayo ito at kaagad na lumapit sa binata. “Cres! Ikaw nga!” Kaagad na napalitan ng ngiti ang kanina lang ay seryosong atmosperang bumabalot sa buong kabahayan. Napalingon si immitis kay Aestas nang mga oras na iyon at hindi niya maintindihan kung bakit may kung anong bagay ang bumabagabag dito. Hindi na siya nakatiis at lumapit sa kaibigan at tinapik ito sa balikat. “May nangyari ba habang wala ako? Inaway ka b ani Ginoong Lux?” pagbibiro niya pa.

