Kanina pa pabalik-balik si Immitis sa kalalakad habang hinahanap ang kapatid ngunit kahit saan siya tumingin ay hindi niya ito matagpuan. Hindi niya tuloy naiwasang mapaisip na maaaring nililinlang lamang siya ni Aestas gayong alam naman talaga niya kung nasaan ang kapatid at kung ang kasalukuyang estado nito. Pilit niya mang isipin na magiging maayos rin ang lahat ay hindi niya maiwasang mangamba lalo pa at mas nananaig sa kaniya ang katotohanang tuluyan nang sinira ni Herus ang kaisipan ng kapatid at kahit na kailan ay imposible nang magkita pa silang muli lalo pa ngayong nawawala ang tagapagmanang nangako sa kaniyang ililigtas ang kaniyang kapatid mula sa kamay ng kanilang mga kaaway. Napasalampak na lang siya ng upo sa bakanteng upuang naroon sa parke habang tahimik na pinanonood a

