Chapter 7

1112 Words
"Mag-igib ka ng tubig sa bukal," utos ng pinuno ng Regia Mundi sa kaniya. "Masusunod," mabilis na tugon niya. "Bilisan mo at napakabagl mong kumilos." "Paumanhin. Masusunod." "Natatapon ang mga triticum, magdahan-dahan ka nga." Singhal pa nito sa kaniya. "Pasensya na." *** Pabagsak na nahiga si Acutus sa higaan sa loob ng silid na kaniyang tinutuluyan. Isang buong araw pa lamang siya nasa Regia Mundi ngunit pakiramdam niya ay napakatagal niya na roon dahil sa dami ng utos na nakaatang sa kaniyang balikat. "Nakakapagod pala ang pagsilbihan ang kanilang pinuno." Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at pumasok sa isip niya si Immitis. "Ngunit kailangan ko nang magmadaling malaman ang kinaroroonan ng mga yaman ng aming angkan dahil tiyak kong nag-aalala nang labis si immitis sa kaniyang kapatid." Sandali pa siyang nagpahinga bago nagpasyang lumabas ng kaniyang silid. Batid niyang kailangan niyang makausap ang pinuno nila nang sa gayon ay maging malinaw rin dito na hindi siya nagpunta roon para magpaalipin lang. Kaagad siyang nagtungo sa silid nito ngunit wala ito roon. Nagpasya na lang muna siyang libutin ang buong lugar nang sa gayon ay magkaroon siya ng pagkakataong mamahinga kahit na sandali. Tinunton niya ang daan patungo sa bukal upang doon ay magpasyang maligo at magbabad pansamantala. "Pakiramdam ko ay naubos ang lakas ko sa dami ng kaniyang utos." Nag-inat siya ng kaniyang mga braso bago sinimulang hubarin ang kaniyang kasuotan. Nang matapos ay dahan-dahan niyang inilubog ang kaniyang katawan nang makarinig siya ng kaluskos mula sa tubig hindi kalayuan sa kaniya. Naglakad siya nang kaunti sa kaliwang bahagi ng bukal kung saan may malaking bato roon na tumatakip sa karugtong nito. Nang makarating doon ay mabilis siyang nagtago sa likod nang bato habang pulang-pula ang kaniyang mukha sa nakita. "Si-sino ang nariyan?" tanong nito. Hindi naman siya makagalaw sa pagkakatayo roon dahil sa labis na kaba. Pakiramdam niya ay sasabog ang kaniyang puso anumang oras dahil sa bilis ang lakas ng pagpintig nito. "Alam kong may tao riyan. Magpakita ka." Hindi niya man nais na harapin ito ay dahan-dahan siyang lumabas sa malaking bato at hinarap ito. Kitang-kita niya ang gulat sa mga mata nito nang mabilis nitong takpan ang dibdib. "Isa kang pangahas!" gigil na sabi nito habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi. "W-wala akong nakita," sabi niya habang nananatiling nakayuko. "Ngunit..." lumingon siya sa kaniyang kanan at mas lalo pang pinamulahan ng mukha, "isa ka palang babae." "Magbabayad ka mamaya dahil sa kalapastangan mo sa iyong ginawa!" sabi nito at naramdaman niya ang paggalaw ng tubig nang maglakad ito patungo sa batuhan at umahon mula roon. Hindi niya na nakita pa ang ginagawa nito at tanging ingay na lang ng pagkilos nito ay tangi niyang naririnig hanggang sa tuluyan iyong nawala at nabalutan ang lugar ng katahimikan. Nagpakawala siya nang naipong hangin mula sa kaniyang baga dahil sa labis na kaba dulot nang pagtatagpo nilang iyon. Pakiramdam niya ay katapusan niya na nang mga oras na iyon dahil sa pagragasa ng kaba sa kaniyang dibdib. Hindi niya alam ngunit pakiramdam niya ay minsan niya nang nasilayan ang babaeng iyon hanggang sa bumalik sa kaniyang alaala ang babae sa sayawan. Doon lang siya tila nagbalik sa katinuan at mabilis na umahon sa tubig upang kausapin ito. Halos madapa pa siya sa pagmamadali upang maabutan lamang ito. Nang makarating siya sa silid nito ay mabilis siyang hinarangan ng kawal nito. "Paraanin mo ako. Nais kong makausap ang inyong pinuno." "Ano ang kailangan mo sa kaniya?" tanong nito. Hindi niya maintindihan ngunit may pakiramdam siyang hindi siya gusto ng lalakeng kausap. "Hindi mo na kailangang malaman pa," tugon niya. Kapwa nila ramdam ang pamumuo ng tensyon sa pagitan nilang dalawa nang balingan siya ng pinuno at hinarap siya. "Anong kailangan mo?" tanong nito. Hindi naman niya mahagilap sa kung saan ang nais niyang sabihin dahil hindi niya rin maintindihan kung bakit nagpasya siyang habulin ito. Sa huli ay hindi niya nagawang magsalita at nanatiling tahimik na lamang sa harap ng dalawa. "Kung wala kang sasabihin ay makakaalis ka na. Abala ako sa maraming bagay at hindi ko ibig na maistorbo." Mabilis naman itong tumalikod at doon ay wala na siyang nagawa na bumalik na lang din sa kaniyang silid. *** "Ngayong alam niya nang ikaw ang babae sa sayawan, anong plano mong gawin?" tanong ng kawal sa kaniyang pinuno. "Ang mas lalo siyang pahirapan." Ngumiti siya kapagkuwan ay hinawakan ang discriminale na ibinigay nito sa kaniya. "Bukas ay sisiguraduhin kong mas mahirap ang pagdaraanan niya sa pagpunta sa lugar na ito." Seryoso naman ang itsura ng kaniyang kawal habang pinagmamasdan kung gaano siya kainteresante sa lalakeng dayo sa kanilang lugar. Kinabukasan ay maaga pa lang nang ipatawag ng pinuno ang lalake upang kausapin ito at linawin ang mga bagay-bagay. "Maupo ka," sabi niya rito. Kaagad naman itong naupo habang hindi mawala-wala ang pagkakatitig sa kaniya. "Ano ang tinitingin-tingin mo riyan?" iritableng tanong niya. "Mas bagay sa iyo ang ganyang ayos," tugon nito at sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito dahilan para pamulahan siya ng kaniyang pisngi. "Hindi kita pinatawag para bolahin lamang ako." Inirapan niya ito dahilan para matawa ito. "Napakasungit mo binibini." "Anong sabi mo?" Tinaasan siya nito ng kilay ngunit nananatili pa ring nakaupo. "Noong una tayong nagkita ay hindi ko man lang nagawang hingin ang iyong pangalan." Nagulat na lang siya at tuluyang pinamulahan ng mukha nang hawakan ng dayo ang kaniyang kamay at gawaran ng halik ang likod ng kaniyang palad. "Ngayon maaari ko na bang malaman ang iyong ngalan?" "V-Vis. Tawagin mo na lang akong Vis." Mabilis naman niyang inagaw ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak nito. "Pangahas ka, dayo!" "Ni minsan ay hindi ko pa narinig na tinawag mo ang pangalan ko." Nahimigan niya ang pagdaramdam sa boses nito ngunit wala siyang matandaan na ibinigay nito ang panagalan nito sa kaniya. Napakunot ang kaniyang noo dahil kahit na anong isip ay hindi niya maalala. Tanging mukha lang nito ang siyang tumatak sa kaniyang isipan. "Marahil ay hindi mo na matandaan dahil sa hindi ko nagawang magpakilala sa iyo ng pormal." Tumayo nito at dahan-dahang lumuhod sa kaniyang harapan. Hindi niya alam ngunit nakaramdam siya ng tuwa nang mga oras na iyon. Tila mayroong mga paru-parong naglalaro sa kaniyang tiyan at ineengganyo siyang sumabay sa saliw ng magandang musika. "Masaya akong makilala ka Vis. Ako nga pala si Acutus, Acutus Sugatzu." Doon lang tila bumalik ang huling sinabi nito sa kaniya nang mas malinaw. "Acutus ang aking ngalan. Sana sa muli nating pagkikita ay makilala mo ako," sabi nito bago iniwan sa kaniya ang bagay na magdurugtong sa puso nilang dalawa. At doon niya lang din naintindihan kung bakit pinagtagpo ang kanilang mga landas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD