Chapter 6

1203 Words
Acutus’ POV Nanlilisik ang mga mata nito at ang ngipin nito ay nagngangalit sa galit na tila kaytagal hindi nakakain. Sumigaw ito ng malakas na siyang nagpayuko sa akin at mariing tinakpan ang aking mga tenga. Ikinayod nito ang mga paa sa sahig hudyat ng gagawin nitong pag-atake. “Hindi maganda ‘to. Hindi pa ako nakakabawi sa lakas na nagamit ko mula sa pakikipaglaban sa baba tapos eto naman ngayon.” Natayo lang ako roon habang pinagmamasdan ito nang biglang may isang hindi kalakihang bato ang tumama sa mukha nito. Kapwa kami napatingin ng dragon sa pinagmulan ng batong iyon at isang batang lalake ang matapang na nakatayo roon. “Hoy! Ako ang kalabanin mo, mabahong dragon!” sigaw ng bata. Tila may isip naman ang dragon na naintindihan ang sinabi nito at walang pag-aatubiling tumakbo patungo sa batang lalake. Mabilis ko ring itinakbo ang aking mga paa at nagtungo sa kinatatayuan ng bata at niyakap ito ng mahigpit. Bago pa man tumama ang nakangangang nguso ng dragon ay nagawa kong iilag ang bata sa bantang pagkain sa kaniya ng dragon. “Bata, hindi mo dapat ginagawang kakatwa ang dragon na iyan,” sabi ko sa kaniya at sumilay sa kaniyang mga mata ang mumunting luha. “Kinain ng dragon na iyan ang alaga kong si Yui.” “Yui?” Muling sumigaw ng malakas ang dragon at ikinampay ang dalawang pakpak sa ere kasabay ng pag-angat ng paa sa lupa. Mabilis itong lumipad pabulusok palapit sa amin kung kaya sinubukan kong tumakbo habang buhat-buhat ang batang lalake. “Tsk! Mukhang galit na galit siya.” “Mabahong dragon!” sigaw ng batang lalake na siyang lalong ikinagalit ng dragon. Nagpakawala ito ng malaking bola ng apoy mula sa bunganga nito at ibinuga sa direksyon namin ngunit bago pa man ito tumama sa amin ay nagawa ko na itong ilagan. “Huwag mo na siyang galitin,” sabi ko sa bata ngunit himbis na makinig sa akin ay nagpumiglas ito at tumakbo sa harap ng dragon. Binato niya ito ng batong napulot niya na naging dahilan ng lalong pag-aalab ng galit sa puso ng dragon. Kaagad itong sumugod sa bata kung kaya wala na akong pagpipilian pa kung hindi iligtas ang bata. Kaagad akong humarang sa kaniyang harapan upang maprotektahan siya. Mariin ko itong tiningnan ng aking mga mata habang naghihintay na maging masarap na hapunan ng dragon nang makita ko ang isang bintang nagmula sa kalangitan at sa isang iglap lang ay isang malakas na pagbagsak sa aking harapan kasabay ng malakas na ihip ng hangin ang aking natunghayan. Dahan-dahang tumayo ang binata sa ibabaw ng dragon suot ang baluting yari sa pinagtagpi-tagping balat at buto ng dragon. May suot itong kwintas na yari naman sa mga pangil ng dragon at ang paa nito ay nananatiling nakayapak. Mabilis na kumabog ang aking puso nang matitigan ko siya sa kaniyang mga mata. Hindi ko maintindihan ngunit pakiramdam ko ay nagkita na kami sa aking paglalakbay noon. Ang ekspresyon din sa kaniyang mukha ay tila pagkagulat ngunit kaagad ding naglaho iyon nang lumundag ito at naglakad palapit sa amin. “Pinuno!” Kaagad na tumakbo ang bata at tumakap sa binatang nagligtas ng aming buhay. “Dalhin ang lalaking iyan sa piitan,” utos nito at walang sabi-sabing pinalibutan ako ng mga kawal na may kaniya-kaniyang hawak na sibat. “T-teka... wala naman akong ginagawang masama.” Ngunit wala akong nagawa nang sapilitan nila akong dalhin sa aking kasasadlakang lugar. *** “Vis, hindi ba at siya ang lalake sa sayawan?” “Oo.” “Tila hindi ka natutuwang makita siya?” Sinalo niya ang kaniyang baba gamit ang kaniyang palad nang maalala ang itsura nito nang muli silang magkita. Tila hindi siya nakilala nito base sa itsurang remehistro sa mga mata nito. Parang wala itong kamalay-malay na minsan na silang nagkitang dalawa at nagkadaupang-palad bagay na labis niyang ipinagdaramdam. Pumasok ang isang kawal bitbit ang lalakeng kaniyang iniligtas at mabilis na iniyuko sa kaniyang harapan. “Magbigay galang ka sa aming pinuno.” “Ikaw pala ang pinuno ng bayang ito.” Nag-isip ito saglit bago nagpakawala ng hangin mula sa bibig. “Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Narito ako dahil naghahanap ako ng impormasyong makapagtuturo sa akin ng kinaroroonan ng mga yaman ng Sugatzu.” Mabilis na pumasok sa kaniyang isipan ang sadyan ng lalake na siyang labis niyang ikinagulat. Hindi niya akalaing iyon ang dahilan ng pagparito nito sa kaniyang bayan. Lalo siyang nakaramdam ng inis at pagdaramdam dito dahil sa pag-aakalang marahil siya ang sadya ng lalakeng nasa kaniyang harapan. “Masyado kang maraming gustong malaman. Alam mo bang ikaw ay bihag ko? Narito ka ngayon at humihinga dahil sa akin. Utang mo sa akin ang buhay mo kung kaya nararapat lang na pagsilbihan mo ako,” sabi niya at nginitian ito na may halong pait ngunit himbis na magpatinag ay ngumiti lang ito pabalik sa kaniya na siyang lalo niyang ikinainis dahil sa kagwapuhang tinataglay ng ngiting iyon sa kaniyang paningin. “Ano ang kailangan kong gawin upang makabayad sa pagkakautang ko sa iyo ng buhay ko?” tanong nito. “Nais kong ikaw ay maging natatanging alipin. Ibig kong pagsilbihan mo ako at gawin ang lahat ng nais mo.” Sa pag-aakalang tatanggi ito ay nagkamali siya dahil mabilis lang nitong tinanggap ang kaniyang mungkahi. “Tinatanggap ko ang nais mong mangyari sa akin. Ngunit sa oras na mabayaran ko na ang pagkakautang ko sa iyo ay nais kong sabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo patungkol sa yaman ng Sugatzu. Lahat ng tungkol sa angkan ng Sugatzu.” Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi nang sumilay ang ngiti sa mga labi nito. Nais niya itong saktan dahil sa ginagawang panghahamak sa kaniya bilang isang pinuno ngunit alam niyang walang dahilan upang gawin niya iyon dahil sa huli siya ang magmumukhang talo at dehado. “Makakaasa ka na ibibigay ko ang impormasyong nais mo, iyon ay kung kakayanin mo ang mga ipagagawa ko sa iyo,” sabi niya at tumayo mula sa pagkakaupo. “Wala pa akong pagsubok na hindi nalagpasan. Hindi ako maaaring bumaba ng walang bitbit na magandang balita sa aking mga kaibigan. May kailangan pa kaming iligtas,” sabi nito na nakapagpakunot ng aking noo. “Iligtas? Anong ibig mong sabihin?” Humarap siya rito habang hinihintay ang sagot nito. “Dinukot ng isang nilalang na nababalutan ng itin na roba ang kapatid ng isa sa mga kasama ko. Kailangan namin siyang mahanap at mailigtas at magagawa lamang namin iyon kung hawak na namin ang yamang pinakaiingatan ng angkan ng Sugatzu,” dire-diretsong pagkukwento nito. Hindi naman siya duda sa tinuran nito. Ngunit alam niyang may posibilidad na ang tinutukoy nito ay ang makapangyarihang nilalang sa timog na walang iba kung hindi si Herus. “Kung ganoon ay simulan mo na ang pagsisilbi sa akin.” Tinuro niya ang malawak na taninam kapagkuwan ay inutusan ito. “Mula sa araw na ito ay ikaw na ang mamanahala sa tanimang iyon. Sa oras na hindi maging maganda ang mga bunga ng mga iyon, magbabayad ka sa akin nang malaki.” “Masusunod.” At iyon lang ang sinabi nito bilang pagsang-ayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD