Chapter 5

1130 Words
Acutus’ POV “Sa wakas.” Habol ko ang aking hininga dahil sa labis na kaba dulot ng pag-atakeng iyon. Nagbubunyi ang aking kalooban habang pinagmamasdang bumagsak sa sahig ang aking katunggali hanggang sa isang nakasisilaw na liwanag ang muli’y pinakawalan ng batang babae na hindi ko mawari kung ano ang naging epekto sa akin. Nilingon ko ang buong paligid ngunit mabilis na nawala sa sahig ang batang lalake. Hindi ko alam ngunit hindi ko ito makita saan man hanggang sa isang malakas na sipa ang pinakawalan nito na siyang nagpatilapon sa akin. “Sinong hinahanap mo?” Nagpagulung-gulong ang aking katawan bago tuluyang bumagsak sa sahig. Bumulwak ang lasang kalawang na likido mula sa aking bibig dahil sa pinsalang aking natamo. “Kung inaakala mong ganoon kadali mo lang kaming matatalo, makabubuting mag-isip kang muli,” sabi nito na nag-iinat pa ng buong katawan. “Tsk!” Napapalatak na lang ako sa labis na inis dahil hindi sumagi sa isip ko na maaari pa siyang mabuhay matapos ang pagtama ng patalim sa kaniyang katawan. Doon ko lang din napansin na maliwanag na pala ang paligid kumpara kanina na sobrang dilim. Marahil ang liwanag na iyon ay nagmumula sa batang babae na siyang nagpakawala ng nakasisilaw na liwanag kanina. Hanggang sa unti-unti kong napagtagpi-tagpi ang lahat ng mga nangyayari at doon nabuo sa aking isip ang isang plano. Sinulyapan ko saglit si Immitis at Lux na kasalukuyang wala pa ring malay. “Maaaring tama ang hinala ko. Susubukan ko,” bulong ko sa aking sarili. “Anong ibinubulong mo riyan?” tanong nito sa kaniya. “Nagdarasal ka na ba para sa iyong katapusan?” Unti-unting nilamon ng kadiliman ang buong paligid at bago pa man siya makatakbo ay nagawa ko na hawakan ang kaniyang buntot dahilan upang hindi ito makaalis sa aking tabi. “Huwag kang masyadong magpakampante!” Kaagad kong pinaputok ang aking baril at sa isang iglap lang ay umalingawngaw ito sa kabuuan ng silid. Hindi ko man sigurado kung saan siya tinamaan ay nakatitiyak akong tinamaan siya dahil sa lapit niya sa akin. Muling nagpakawala ng liwanag ang batang babae na nagpasilaw sa akin at muling tumama sa akin ang malakas na suntok sa aking tagiliran. Halos manlabo ang aking paningin dahil sa sobrang sakit ng pagtama ng suntok na iyon. Para akong nabalian ng buto sa aking tagiliran na siyang naging dahilan para mamilipit ako sa sakit. “Hindi ka pa rin ba susuko?” tanong nito sa akin habang malademonyong nakangisi sa akin. “Hindi mo ako mapapasuko... nang ganoon kadali...” tugon ko sa kaniya habang dahan-dahang tumatayo hawak ang aking tagilirang napuruhan. Nilingon ko ang dalawa kong kasama at nakita ko ang dahan-dahang paggalaw kay Lux at sakto naman din ang paglingon nito sa akin. Tila hindi naman iyon napansin ng dalawa naming kalaban kung kaya naging mas maingat kami para sa mga susunod naming hakbang. Sakto rin ang kinaroroonan ni Lux dahil nasa likuran lang siya ng batang babae kung kaya sinenyasan ko siyang manatiling magpanggap na walang malay at maghintay ng aking hudyat. Muling nagdilim ang buong paligid at taimtim lang akong pumikit habang pinakikiramdaman ang pagkilos ng batang lalake. Tahimik kang akong pinakikinggan ang mahihinang paggalaw gayundin ang bawat pagdampi ng hangin sa aking balat. Nararamdaman ko rin ang pakikiisa sa akin ng lupa. “Ngayon na!” At sa paglapit sa akin ng batang lalake ay ang saktong pagkalabit ko ng gatilyo ng aking hawak na baril. Kagaya ng nangyari kanina ay nagliwanag ang paligid at kasabay noon ay ang pagtarak ng kutsilyo sa likurang bahagi ng batang babae. “Kapatid kooo!” sigaw ng batang lalake habang nakatingin sa batang babae. Sabay silang bumagsak sa sahig at nanghihinang gumagapang palapit sa isa’t isa. “Kuya...” nanghihinang sambit ng batang babae. Hindi ko alam ngunit himbis na magalit at dahan-dahan akong naglakad palapit sa batang babae at binuhat ito. Kahit na may iniindang sakit ay mas pinili kong patatagin ang aking sarili upang bigyan sila ng pagkakataong mabuhay. Nagulat naman ang batang lalake nang inilapag ko ang batang babae sa kaniyang harapan at mabilis niya itong binalot ng kaniyang bisig. “K-kuya...” Lumapit din si Lux sa amin na puno ng galos ang buong mukha. Doon lang din nagkamalay si Immitis at mabilis na lumapit sa amin. “Paslangin na natin ang mga ‘yan,” sabi ni Immitis. Umiling ako kapagkuwan ay nginitian ang dalawang katunggali. “Magaling mga bata. Nanalo kami. Maaari n’yo na ba kaming paraanin nang makarating na kami sa aming patutunguhan?” tanong ko. Tumango ang dalawa at nagliwanag naman ang aming mga mukha sa kanilang naging sagot. May pintong sumilay sa dulong bahagi ng silid at doon ay magkakasabay kaming naglakad palapit doon. “Sa-sandali lang.” Napalingon kaming tatlo sa batang babae dahil sa pagpukaw nito sa aming atensyon. “Iisa lamang ang maaaring makaraan sa pintuang iyan.” “A-ano?!” tanong ni Immitis. “Bagay na wala ka namang ginawa upang matalo kami ay mananatili ka rito,” sabi nito kay Immitis. “At ang Ginoo. Mananatili rin siya rito lali pa at hindi naman talaga siya ang siyang nakaisip ng planong upang magapi kami,” sabi naman ng batang lalake. “Ibig mo bang sabihin ay si Acutus lang ang maaaring makatawid?” paniniguro ni Immitis. “Acutus ang kaniyang pangalan?” Tila nasorpresa naman ito nang marinig ang aking pangalan. “Kung gayon ay ikaw ang tagapagmana ng Sugatzu.” “Alam mo ang tungkol sa akin?” tanong ko. “Tanging iyon lang ang nalalaman ko. Ang iba pa ay malalaman mo sa oras na makaakyat ka na sa Regia Mundi,” tugon nito. “Acutus...” “Ayos lang, Immitis. Kaya ko na ito ng mag-isa. Pangako at babalikan ko kayo rito. Hahanapin natin si Cres at ibabalik sa ayos ang lahat.” Ngumiti ako bago nagsimulang humakbang palapit sa pintuan. “Mag-iingat ka, Acutus. Hihintayin namin ang iyong pagbabalik,” sabi ni Ginoong Lux. Tumango naman ako bago inihakbang nang tuluyan ang aking mga paa palabas ng silid at sa pagtapak ko sa labas ay unti-unting nagbago ang paligid at nawala ang silid na aking pinanggalingan. Nagkaroon ng isang mistula isang hagdan na yari sa mga ulap patungo sa kalangitan. “Hintayin mo ako. Parating na ako,” sabi ko bago sinimulang ihakbang ang aking mga paa paakyat sa bayang nakalutang sa kalangitan, ang Regia Mundi. *** Hindi pa man ganoon kalayo ang aking inaakyat, pakiramdam ko ay kinakapos na ako ng aking hininga dahil sa sobrang taas ng aking kailangang akyatin. Nilingon ko ang aking ibaba at nagulat ako nang wala na roon ang mga baitang na kanina lang ay aking inaapakan. Kung ganoon nga ay sadyang isinekreto ang lugar na ito para sa karamihan. Kaya pala nahirapan din silang makakuha ng impormaayon tungkol sa lugar dahil tila isa itong maalamat na lugar. “Kailangan kong magmadali. Hinihintay ako nila Immitis, at kailangan naming mahanap si Cres sa lalong madaling panahon.” Nagpatuloy ako sa pag-akyat hanggang sa makarating ako sa huling baitang. Hingal na hingal ako habang pinagmamasdan ang malaking tarangkahang nasa aking harapan. Nakabukas lang iyon kung kaya madali lang akong nakapasok sa loob ngunit hindi ko aakalaing isang malaki at galit na galit na bagong katunggali ang sasalubong sa akin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD