Chapter 4

1370 Words
Acutus' POV "Kung ganoon ay buo na ang desisyon ninyong magtungo sa Regia Mundi?" tanong ng batang lalake na ngayon ay aming kaharap. "Oo." "Pumasok kayo," Kaagad kaming pumasok sa loob ng silid at gaya ng nasipat namin sa kagamitan ni Immitis ay isa lamang nga itong blangkong silid. Walang kahit na ano ang naroon maliban sa aming lima. "Nasaan ang lagusan patungo sa Regia Mundi?" tanong ko habang hinahanap ng aming paningin ang lagusan patungo sa aming pupuntahan. "Ang daan patungo sa Regia Mundi ay lalabas lamang kung magagawa ninyo kaming talunin." "Anong sabi mo?" Napatiim bagang si Immitis dahil sa labis na inis sa tinuran ng batang lalake. "Maghunos-dili ka, Immitis." Pagpigil ko sa kung ano man ang naiisip niyang gawin. "Tuso kayong dalawa." "Gaya ng sabi ko, nasa amin ang susi patungo sa lugar na iyon. Sa oras na matalo ninyo kami ay awtomatikong lalabas ang daan patungo sa lugar na hinahanap ninyo." "Kung ganoon ay wala kaming pagpipilian kung hindi pagbigyan ang nais ninyo." Kaagad akong pumorma ng aking mga kamay sa aking dibdib upang gamiting pananggalang sa maaari nilang gawing pag-atake. "Acutus, kami na ang bahala sa batang babae, ikaw na sa batang lalake." Tumango ako bulang pagsang-ayon sa sinabi ni Lux. Ngunit hindi pa man kami nagsisimulang gumalaw ay mabilis kong naramdaman ang pagtama ng kung anong bagay mula sa aking likuran dahilan para mapaluhod ako au lumabas ang dugo sa aking bibig. Nilingon namin ang pinanggalingan ng pagtirang iyon at nakita namin ang batang babae na may hawak na bola. "Maglaro muna tayo." Nakangiti ito na animo'y nasisiyahan sa mga nangyayari. Pasugod pa lang sila Immitis at Lux nang may tumamang puting ilaw sa kanilang dalawa at mabilis na nakarating ang batang lalake sa pwesto ng kapatid na babae. "Hindi ako makapapayag na saktan ninyo ang aking kapatid." "Nakakainis!" sambit ni Immitis at dinura ang dugong naipon sa kaniyang bibig. "Hindi maganda 'to. Parang pinaglalaruan lang tayo ng dalawang batang iyan." "Kailangan nating maging mas maingat." Ipinikit ko ang aking mga mata habang pinakikiramdaman ang paligid. Muli kong inalala ang mga bagay na itinuro sa akin noon ni Cres sa may talon. Hindi ko sukat akalaing magagamit ko ito sa pagkakataong ito at mula sa ganoong posisyon ay kitang-kita ko ng malinaw ang mabilis na paggalaw ng batang lalake na ngayon ay papalapit sa akin. Mabilis kong nailagan ang kaniyang sipa na tatama sana sa aking mukha at hinawakan ang kaniyang paa. Kaagad ko siyang inihagis sa pader na siyang labis niyang ikinabigla. "Pasensya na mga bata, ngunit hindi kami nagpunta rito upang makipaglaro lamang sa inyo." "Ang galing no'n, Acutus." Namamangha naman si Immitis dahil sa pinakita ko na hindi ko rin akalaing magagawa ko nang mga oras na iyon. Ngumiti ako sa kaniya at gayundin siya sa akn. "Nakatitiyak akong hindi natin magagamit ang ano mang sandata laban sa dalawang iyan," sabi ni Lux. "Tama ka, Ginoong Lux. Ang tanging magagamit lang natin ngayon ay talas ng ating pakiramdam at ang ating pisikal na lakas." Kaya naman gaya ko ay pumosisyon na rin ang dalawa habang magkakatalikuran kaming tatlo at naghihintay sa muling pag-atake ng dalawa. Nakita ko pa ang dahan-dahang pagtayo ng batang lalake na siya namang inaalalayan ng batang babae. "Sumpain kayo sa kapangahasan ninyong saktan ang aking kapatid," sabi ng batang babae at unti-unting nagbago ang anyo nito at nagkaroon ng pakpak ng gaya ng sa isang anghel. Nakasisilaw ang liawanag na nagmumula rito na siya namang nagbibigay liwanag sa kabuuan ng silid. "Ano ang liwanag na iyon?" sabi ni Immitis habang itinatabing ang braso sa kaniyang mga mata. Ganoon din ang aming naging reaskyon dahilan para mawala ang aming konsentrasyon at mabilis na tumama sa amin ang isang malakas na pag-atakeng nagmula sa batang lalake. Ramdam ko ang pamimilipit ng aking sikmura nang tumama ang malakas na sipa na animo'y sipa ng isang kabayo. Lumipad naman si Immitis sa pader at doon tumama ang kaniyang buong katawan samantalang si Ginoong Lux naman ay tumilapon rin paluhod sa tabi ni Immitis. "Immitis, Ginoong Lux! "Huwag mong hahayaang mawala ang atensyon mo sa kalaban." Narinig ko pang sabi ng batang lalake at sa isang iglap ay tuluyan na rin akong tumilapon patungo sa kabilang direksyon. Pare-parehas kaming nakahandusay sa sahig habang iniinda ang kaniya-kaniyang sakit sa katawan. "Hayaan ninyong ipakita ko rin sa inyo ang tunay kong anyo." Unti-unting lumabas ang mga pakpak ng batang lalake na animo'y pakpak ng isang paniki. Tumubo rin ang buntot nitong may matulis na dulo gaya ng sa palaso at ang ulo nito ay nilabasan ng sungay kagaya ng sa isang toro. Ang laki ng mga ito ay nanatili ngunit nararamdaman kong ang lakas ng mga ito ay nagkaroon ng malaking pagbabago. Kung kanina lang ay halos patayin na kami ng dalawang ito, ngayon ay alam kong kaya na nila itong gawin sa susunod nilang pag-atake. Nagtabi silang dalawa at nakita namin ang pagkakaiba sa kanilang dalawa. Ang isa ay tila isang anghel at ang isa naman ay isang demonyo dahil sa wangis ng mga ito. Ang isa ay nagliliwanag ng nakasisilaw habang ang isa naman ay binabalutan ng kadiliman. "Sisiguraduhin naming hindi na kayo mabubuhay pa sa susunod naming gagawin sa inyo." Narinig namin ang isang nakakaayang tinig mula sa isang himig na noon lamang namin narinig. "A-anong nangyayari?" sabi ni Lux hanggang sa tuluyan itong bumagsak sa sahig at nawalan ng malay. "Ginoong Lux!" Pagtawag ko sa pangalan nito. "Acutus... ikaw na ang bahala sa lahat," sabi naman ni Immitis bago ito tuluyang nawalan ng ulirat. "Immitis!" Habang pinagmamasdan ko sila ay nakaramdam ako ng unti-unting antok at panlalabo sa aking paningin bagay na alam kong hindi maaaring mangyari. May tungkulin akong dapat na gawin. Hindi maaaring masayang ang lahat ng pinaghirapan ko sa silid na ito. Dinukot ko ang patalim na nakasukbit sa aking binti at sinugatan ang aking sarili upang makaramdam ng sakit. Doon lang tila bumalik ang aking paningin sa normal at ang antok na aking nararamdaman ay unti-unting nawala. Tumigil na ang musikang aking naririnig mula sa isang magandang tinig at doon ko ang naramdaman ang labis na panghahapo ng aking katawan. "Magaling. Napakagaling!" Tumawa ng malakas ang batang lalake at doon lumapit sa akin. Tinapik niya ang aking balikat habang pinagmamasdan ang aking mukha. "Hindi ko akalaing may isa pang nilalang ang magagawang tapatan ang kapangyarihan ng aking kapatid. Ikaw pa lang ang ikalawa," sabi nito. "Ikalawa? Si Gaza ba ang tinutukoy mong una?" tanong ko. "Hindi na kailangan pa ni Gaza na talunin kami sapagkat mayroon siyang pinanghahawakan upang malayang makadaan patungo sa bayang lumulutang sa kalangitan." Namangha naman ako dahil sa sinabi nito. Hindi ko akalain na ganoon makapangyarihan si Gaza upang makadaan sa isang sagradong daanan nang hindi na kinakailangan pang gumamit ng dahas. "Kung ganoon, sino ang una?" "Ang una ay walang iba kung hindi ang babaeng makapangyarihan sa bayan ng Regia Mundi." Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya lalo pa at isang babae ang makagagawa ng bagay na iyon. "Huwag mo akong linlangin," sabi ko. "Tama na ang usapang ito dahil masyado nang humahaba, sapat na ang kakaunting impormasyon na ibinigay namin sa iyo. Oras na para tapusin ang labang ito." Ibinuka nito ang sariling mga pakpak at unti-unting nilamon ng kadiliman ang buong paligid. Dahil sa kadilimang iyon ay wala na akong nakitang kahit na ano maliban sa liwanag na nagmumula sa kaniyang kapatid. Pinakiramdaman ko ang paligid at ramdam na ramdam ko ang mabilis na paggalaw ng hangin na nagmumula sa mabilis na paggalaw ng aking katunggali. Kaagad na tumama sa akin ang suntok na kaagad kong nasalag gamit ang aking kanang braso. Tuluy-tuloy ang naging pag-atake nito bago tuluyang idistansya ang kaniyang sarili. Mabilis kong dinukot ang patalim sa aking binti at pinosisyon sa tapat ng aking dibdib. Papalapit siya nang papalapit at sa pagtama ng kaniyang buntot sa akin ay tuluyan ko iyong nahawakan at hinampas siya sa sahig. Narinig ko pa ang pag-impit ng kaniyang tinig dahil sa sakit na naramdaman senyales na naroon pa rin siya sa aking paanan. Kaagad ko siyang pinaibabawan at doon ay itinutok ko sa kaniya ang patalim na aking hawak. "Paalam!" sabi ko bago ito tuluyang itinarak sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD