Chapter 3

1488 Words
“Mga Novis Elementum…” sabi ko.   “Tama ka, mga elementong nag-aanyong tao upang mas madali silang makapangbiktima. Kadalasan talaga ay mga wangis ng mga bata ang ginagaya nila para mas kapani-paniwalang mahihina lang sila. Pinaniniwalaang mga kaluluwa ng mga tao ang kaninang ginagawang pagkain upang manatiling malakas,” paliwanag ni Lux.   “Kung ganoon ay tiyak na mahihirapan tayong makalusot sa silid na iyon. Ngunit wala tayong pagpipilian dahil kailangan nating makarating sa Regia Mundi.” Napabuntong-hininga na lang si Immitis dahil sa mga pagsubok na kailangang pagdaanan.   “Sa ngayon ay mas mabuting matulog na muna tayo rito habang naghihintay na mag-umaga.”   Tumango naman ang dalawa bilang pagsang-ayon kung kaya nagpasya na kaming mahiga sa sahig at ipikit ang mga mata pansamantala upang kahit paano ay makapagpahinga. Kinabukasan ay tiyak kaming magiging mahirap ang labang aming kahaharapin.     NITIDUS’ POV   “Talaga palang desidido sila Acutus na mahanap ang nawawalang pulseras.”   “Opo, mahal na regina.”   Tumayo ako at saka nagpakawala ng halakhak na siyang dumagundong sa kabuuan ng silid.   “Sige lang, Acutus. Hanapin mo ang pulseras. Isugal mo ang buhay mo dahil nakatitiyak akong babalik ka rin dito upang ibigay sa akin ang mga kailangan ko.” Napangiti ako sa isiping iyon at saka hinarap muli ang kawal. “Ituloy n’yo lang ang pagmamatyag sa kanila. Tiyaking makukuha nila ang nais nilang makuha.   “Masusunod po, mahal na regina.”   Muli akong naupo sa tronong kinalulugaran ng aking lolo sa matagal na panahon. Kay gandang pagmasdan na ako na ngayon ang namamahala sa Stamen at sa lahat ng tao na narito. Hindi ako nagkamali sa pasyang pinili ko. Ang bawat diyamanteng nakabaon sa upuang ito ang siyang nagbibigay ng saya sa akin ngayon, idagdag pa ang kumikinang na hiwaga na bumabalot sa kwintas na ngayon ay suot ko. Habang buhay na pagkabata, at buhay na walang hanggan. Mga bagay na sa wakas ay sa akin na rin. Konting panahon na lang at mapapasa akin na rin ang pulseras ng Iustatio, ang walang hanggang lakas.                                                                                                                 “Nitidus…”   Napalingon ako kay Inxs nang tawagin niya ang pangalan ko. Noong una ay nag-aalangan pa ako kung dapat ko pa ba siyang buhayin dahil sa lahat ng ginawa niya sa akin ngunit sa huli ay napag-isipan kong maaari ko pa rin siyang mapakinabangan sa ibang bagay. Siya ngayon ang kasalukuyang tumatayong kanang kamay ko sa pamamalakad sa lahat ng naiwan ng aking lolo.   “Kumusta ang pamamahala sa kalakalan ng cannabis?” tanong ko habang naghihintay ng sagot niya.   “Maayos naman,” matipid na tugon nito.   “Ang mga alipin? Kumusta ang ekspirementong ginagawa sa kanila?” Mula nang dukutin ako ng aking lolo upang gawing pamalit sa kwintas ay namulat na ako sa masasamang gawain mayroon ang aming angkan. Inalam ko ang mga bawat detalye sa kalakalan pati na rin ang bawat transaksyong nagaganap bago ko binuo ang plano sa pagpaslang sa kahabag-habag na matanda. Noong una ay nabigla pa ako nang makita ang mga aliping sapilitang pinagagamit ng pinagbabawal na halamang gamot upang sila’y mawala sa katinuan, at doon papasok ang isa pang lihim na kalakalan. Ang mga alipin na tuluyan nang nawala sa katinuan ay ibinebenta sa mataas na halaga bilang gawing parang mga hayop na hahatak sa karwahe ng mga taong may kapangyarihan din sa lipunan.   “Patuloy pa rin ang eksperimentong ginagawa sa kanila. Nasa maayos ang lahat,” sagot nito.   “Kung ganoon, ano ang iyong pagparito?” Seryoso ko siyang pinagmasdan habang kinikilatis ang bawat ekspresyon sa kaniyang mukha. Tila nag-aalinlangan siyang sabihin ang nais niyang sabihin base sa pagyuko at pagpalatak na narinig ko mula sa kaniya. “O mas mainam na tanungin ko kung ano ang nais mo sa akin?”   Tila nagulat naman ito nang tumayo ako mula sa aking kinauupuan at lumapit sa kaniya kapagkuwan ay nilaro ko ng aking daliri ang kwelyo ng suot niyang damit. “Ako ba ang iyong sadya, Inxs?”   Nakita ko ang paglunok na kaniyang ginawa at ang dahan-dahang pagtulo ng pawis sa kaniyang noo. Ang hay*p na ito, malugod akong pagmasdan kung paano siya nagiging tensyonado sa mga oras na ito ngunit hindi ko akalaing ako ang mas mabibigla nang hawakan niya ang aking batok at siniil ako ng halik sa aking mga labi.   Kaagad ko siyang itinulak, at sinampal nang malakas dahilan para mabuwal siya sa sahig. Ngunit himbis na humingi ng paumanhin ay nagawa pa nitong ngumisi dahilan para lalo akong mainis lalo nan ang marinig ko sa kaniya ang mga katagang pinakaayaw kong marinig sa lahat.   “Umaasa ka pa rin bang babalik ang lalakeng pinakamamahal mo, Nitidus?” Matalim ko siyang tiningnan ngunit hindi siya nagpatinag at nagpatuloy lang sa pagsasalita. “Tingin mo ba talaga ay habang buhay mong maitatago na ginagawa mo lang kasangkapan ang mga nawawalang yaman ng Sugatzu upang bumalik sa’yo ang iyong sinisinta?” Tumawa ito na siyang bumalot sa kabuuan ng silid. “Hindi mo kailan man maitatanggi sa akin, Nitidus, na siya pa rin ang itinitibok ng puso mo. Na gusto mong manatili na lang siya dito at huwag ka nang lisanin pa.”   Dahil sa patuloy na pang-aalispustang lumalabas sa bibig niya ay hindi na ako nakapagpigil at muli ko siyang sinampal ng malakas. Kasalukuyan pa rin siyang nakaupo sa sahig at ako naman ay nasa ibabaw niya. “Huwag kang gumawa ng mga kwentong ikaw lang ang lumikha, Inxs. Noong oras pa lang na lisanin niya ang palasyong ito ay kinalimutan ko na ang kahit anong nararamdaman ko para sa kaniya.”   “Talaga ba?” Ngumiti ito at saka hinawakan ang aking kaliwang pisngi na hindi ko namalayang nilalandasan na pala ng mga luhang mula sa mapapait na alaala. “Kung ganoon, halikan mo ako, Nitidus. Patunayan mo sa aking mali ako nang sa ganoon ay maniwala ako.”   Sa sandaling iyon ay wala na akong nagawa kung hindi pagbigyan ang nais niya. Hinding-hindi ko matatanggap ipilitin niya ang mga bagay na kahit na kailan ay hindi na maibabalik pa.   Unti-unti kong inilapat ang aking mga labi sa kaniya hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagpulupot ng kaniyang kanang braso sa likuran ng aking bewang. Dahan-dahan ang kaniyang naging paggalaw sa loob ng aking bibig hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng sensasyong nagbibigay init sa aming mga katawan. Napahinga ako nang malalim ng putulin niya ang halik, at saka tumayo. Kaagad niya akong binuhat kung kaya nakaramdam pa ako ng pagkabalisa ngunit alam kong wala na akong pagpipilian kung hindi ang pagbigyan siya. Siya ang unang lalakeng umangkin sa akin, hindi man sa romantikong paraan ngunit alam kong hindi ko pagsisisihang siya lang ang lalakeng aangkin sa akin ng buo. Hindi ko makakalimutang binaboy niya ako noon, ngunit sa ngayon ay siya lang ang tanging mayroon ako kung kaya kailangan kong maging maingat upang hindi mabulilyaso ang mga susunod kong plano.     Nagising na lang ako nang may maramdaman akong kakaiba mula sa pagitan nang aking mga hita at nang magmulat ako ay naroon si Inxs at kasalukuyang nilalaro iyon ng kaniyang bibig.   “Inxs… Ahh…” Hindi ko na napigilan ang magpakawala ng ungol mula sa sari-saring emosyong bumabalot sa aking katawan. Ramdam na ramdam ko ang bawat paggalaw ng kaniyang bibig sa aking hiyas na siyang lalong nagbibigay ng init sa aking pakiramdam.   “Magandang umaga, mahal ko,” sabi nito nang pansamantalang tumigil sa kaniyang ginagawa.   Pinamulahan naman ako ng pisngi nang mabungaran ko ang kaniyang mga ngiti. May mga likido pa sa kaniyang bibig na naging dahilan upang mailing ako. Hindi ko siya sinagot at akma na sana akong tatayo nang bigla siyang pumaibabaw sa akin. Pinunasan niya ang kaniyang mga labi ng pulang kumot na naroon sa aking tabi at walang pag-aatubiling siniil ako nang halik.   Dahil sa uhaw sa pagnanasa ay nagawa kong ikalang ang aking mga braso sa kaniyang batok, at tinugon ang kaniyang mga halik. Eto ang unang beses na pinagbigyan ko ang aking sarili na hayaang maglaro ng apoy sa piling ng taong minsan ko naming pinangarap na maging akin.   “Akin ka lang, Nitidus. Hindi ko na hahayaang agawin ka niyang muli sa akin.” Hindi na ako kumibo pa nang maramdaman ko ang dahan-dahang pagpasok ng kaniyang iniingatang sandata sa loob ng aking bulaklak.   “Ahh…” Mga ungol lang ang siyang umaalingawngaw sa kabuuan ng aking silid.   “Akin ka lang, mahal ko,” bulong niya sa tenga ko dahilan para taasan ng balahibo ang aking katawan.   “Inxs… Ohh…”   “Tama ‘yan, mahal ko. Pangalan ko lang ang tawagin mo,” utos nito na hindi ko naman sinalungat.   Halos habulin ko ang aking hininga sa bawat pag-indayog na ginagawa niya sa akin. Napapaliyad pa ako sa sarap na dulot ng makamundong pagnanasa. Ilang sandal pa ay nakaramdam na ako ng init na nagmamadaling humahangos sa aking kaloob-looban hanggang sa tuluyan na ring kumawala ang sa akin.   Pabagsak siyang nahiga sa aking tabi at niyakap ako nang mahigpit bago ipinikit ang kaniyang mga mata. Nang nagdaang gabi ay hindi ko halos naramdaman ang ganitong pakiramdam dahil sa samu’t saring gulo na pumapasok sa isip ko. Alam na alam ni Inxs na ngayon ang tamang pagkakataon upang angkinin ako dahil alam niyang blangko ang utak ko sa kahit na ano mang isipin at nagtagumpay siya. Nakamit niya ang nais niya. Sa kaniya na ako, at kahit na kailan hindi na maaangkin ng iba lalo n ani Acutus, ang lalakeng dahilan ng paghihirap ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD