Chapter 46

1132 Words

Kasalukuyang naglilibot sa buong bayan ng Pax sila Immitis. Hindi niya maatim ang mga nakikita niya sa paligid, maging sina Lux, Iudex, at Nitidus at napapailing na lang dahil sa dami ng mga bangkay na nagkalat sa paligid. Sira-sirang mga estraktura at kabahayan ang naroon, mga buwal na puno at iilang batang umiiyak sa paligid at tila naulila ng pagkakataon. "Sino kaya ang may kagagawan ng mga karumaldumal na pangyayaring ito?" tanong ni Lux. "Walang puso ang may gawa nito." Nasuntok pa ni Immitis ang kaniyang palad sa labis na galit na nagsisimula nang mamayani sa kaniyang puso. Maya-maya pa ay nilapitan nila ang batang naroon at umiiyak sa tabi ng isang ginang na wala nang buhay. "Bata, nakilala mo ba ang gumawa nito sa iyong ina?" tanong ni Iudex sa batang nakaupo roon habang nakasu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD