"Cres..." Sinalat ni Cres ang likidong bumabagsak sa kaniyang pisngi. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang nararamdaman nang mga oras na iyon. Alam niyang may mali. Alam niyang may mali sa kaniya. "Hindi. Hindi. HINDI!!!" Isang sigaw lang na siyang umalingawngaw sa buong kapaligiran ang kinailangan niyang gawin upang tuluyang magdilim ang buong kalangitan. Ang mga ulap ay unti-unting kumapal at unti-unting nagsimulang magpakawala ng malalaking patak ng ulan. Kasabay ng pag-ulang iyon ay ang malalakas na kulog at kidlat na siyang lumalamon sa kalangitan. "Ikaw... Ikaw ang may kagagawan nito. Nilalason mo ang isip ko. Hindi ko hahayaang mangyari iyon. Magbabayad ka!" Kaagad itong lumusob papunta sa kinaroroonan ni Acutus at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay umilag ito sa kaniya dahilan p

