Chapter 48

1028 Words

Acutus' POV Akala ko ay tama ang desisyong wasakin ang lupang kinatatayuan ko ngunit mali ako nang makita ko ang pagbulusok ni Vis pababa. Unti-unti itong nahuhulog sa banging iyon habang ako ay nananatiling nakaapak sa piraso ng batong nabitak dahil sa pwersang ibinigay ng isang suntok na iyon. "Vis!" Kaagad akong nagpatalon-talon sa magkakalapit na bato hanggang sa tuluyan kong marating ang kaniyang kinaroroonan. Ngunit sa pag-aakalang magagawa kong saluhin ang kaniyang kamay ay nagkamali ako. Dahil tuluy-tuloy lang itong bumubulusok pababa habang ako naroon sa huling batong nananatiling nakakapit sa bundok. "Hindi, Vis!" Hindi ko na nakuhang mag-isip pa. Ang nais ko lang ay mailigtas siya. Ang kaniyang kaligtasan. Walang pagdadalawang-isip na nilundag ko ang banging iyon habang pilit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD