Acutus' POV "Vis..." Kaagad ko siyang hinila palapit sa akin at siniil ng halik. Kahit sa mga sandaling iyon man lang ay makalimutan ko ang lahat ng problemang nakaatang sa aking balikat. Gusto kong manatili sa piling niya at gagawin ko ang lahat para protektahan siya. Kaagad ko ring pinutol ang halik na iyon at niyakap siya nang mahigpit. HIndi ko na nga naisip na parehong hubad ang aming katawan. Ang nais ko lang ay maramdaman siya sa aking tabi. "Huwag mo nang uulitin ang ginawa mo kanina," sabi niya nang bumitaw kami sa pagkakayakap sa isa't isa. "Labis akong nag-alala." "Alin? Ang ginawa ko bang paglisan nang walang paalam?" tanong ko sa kaniya dahil hindi ko maisip kung ano ang kaniyang tinutukoy. "Ang pagliligtas sa akin. Paano kung hindi umayon sa kagustuhan mo ang pulseras ng

