"Nitidus..." Napalingon si Nitidus matapos marinig ang kaniyang pangalan. Nilingon niya ito at nahinuha niya na kaagad ang kailangan nito sa kaniya. "Iudex..." "Pumapayag na ako sa nais mo." Napangiti naman si Nitidus matapos marinig iyon kay Iudex. Alam niya kasing darating ang panahon ay ito ang magiging susi para matupad ang mga plano niya at hindi na nga siya nagkami. Handa na siya para isakatuparan ang planong matagal niyang pinaghandaan. "Magaling. Inaasahan ko ang iyong kooperasyon." Lumapit siya rito at inilahad ang kaniyang kamay na kaagad naman nitong inabot. "Huwag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat, para makuha mo ang iyong gusto." "Siguraduhin mo lang na hindi mo ako bibiguin," sabi nito sa kaniya dahilan para matawa siya nang malakas. "Hindi mo pa nga ako lubusang ki

