Acutus' POV "Isang bayang walang pangalan?" Nagkatinginan kami ni Vis matapos na marinig iyon sa matandang kausap namin. "Mula kasi nang lumitaw ang bayang ito ay walang nagtangkang bigyan ito ng pangalan dahil sa isang maalamat na sumpa," sabi nito. "Isang sumpa?" pag-uulit ko. "Ayon sa alamat na nagpasalin-salin hanggang sa kasalukuyang henerasyon, mayroon lamang isa at natatanging pangalan sa bayang ito. Ang sino man ang magtatangkang magbigay ng maling pangalan ay magdaranas ng matinding kahirapan o mas malala ay maaaring humantong pa sa kasawian," pagkukwento nito. "Pero sabi n'yo nga po, ito ay isa lamang alamat. Wala bang nagtangkang sumubok man lang?" tanong ni Vis habang ako naman ay nag-iisip ng pangalang natatangi sa lamang sa bayang iyon. "Wala. Dahil ang lahat ay nangang

