Chapter 1

2183 Words
Marian Prente akong nakaupo sa swivel chair ko habang umiinom ng kape sa loob ng aking office. Nakatingin sa monitor habang pinapanood ang paborito kong Anime series na noon ko pa sinusubaybayan. Tapos na ako sa lahat ng gawain kaya ayos lang na manood ako ng anime buong magdamag. At isa pa, ako naman ang boss kaya walang problema. Nasa isang thrilling scene na ako nang bigla nalang tumunog ang aking cellphone. Mabilis ko itong dinampot, na nasa tabi ng keyboard, at sinagot ang kung sinuman ang tumatawag. "Ma!" Bungad ni Summer Foster sa akin — ang aking bestfriend. Kaagad ko namang pi-nause ang pinanonood ko at itinuon ang buong atensyon kay Summer. "Good afternoon, Su!" Bati ko. "Good afternoon! Close na ba ang Café mo?" "Hindi pa. Alam mo namang mamayang 5:00 pa kami magsasara," pagpapaalala ko dahil mukhang nakalimutan niya yata. "Ay, oo nga pala. May two tickets ako ng Code Geass kung saan nabuhay muli si Lelouch. Paborito mo ito 'diba?" Nanlaki ang mata ko sa excitement. Holy cow! Paano siya nakakuha ng ticket? Kailangan ko iyong mapanood! "Where are you?" Mabilis kong tanong. Mabilis akong nag-ayos at pinatay ang computer. Hindi madaling makakuha ng ganoong ticket dahil sa bilis nitong mag sold-out kaya hindi ko palalagpasin ang pagkakataong ito. Grabe nga ang panghihinayang ko nang maubusan ako ng ticket eh. "Saan pa ba? Isa ako sa mga customer mo ngayon." Lumawak ang ngiti ko. Nagtanong pa talaga siya kung nagsara na ba ako, samantalang nasa Café ko lang naman pala siya. Baliw lang. "At pina-out ko na ng maaga ang mga empleyado mo," dagdag niya. Baliw nga. Sinong kaibigan ang magpapa-out sa employees nang hindi alam ng may-ari? Summer. "Sige. Hintayin mo ako riyan." Pinatay ko ang tawag at kinuha ang sling bag sa upuan. Sinuyod ko pa muna ng tingin ang opisina at nang masiguradong maayos na ang lahat ay tsaka ko pa pinatay ang lahat ng ilaw. Paglabas ko ng office ay natanaw ko kaagad si Summer na sumisimsim ng kape at naghihintay sa akin. Wala narin ang mga empleyado ko at malinis narin ang paligid. Kagagawan ito ni Summer, malamang. Nilapitan ko siya. "Tindi ah! Ready na lahat." Bungad ko. Ngumiti siya ng matamis. "Syempre naman! Alam ko kasi na hindi mo ito mapapalagpas." Aniya at winagayway sa ere ang tickets. Nagsparkle ang mata ko. My precious! "See? I know already na hindi mo ito matatanggihan." Proud niyang sambit. She's right. Hindi ko ito kailanman palalagpasin. "Kaya mahal na mahal kita eh," kindat ko sa kanya. "Tayo na." Aya ko narin at nagtungo na sa labas. Sumunod narin naman siya. "Dala mo ang kotse mo?" Tanong niya bigla. "Oo," sagot ko habang nilo-lock ang Café. "Mag convoy nalang tayo." Suhestiyon ko. "Sige. Ayos lang din." Nang matapos ay mabilis ko ring hinarap si Summer. "Saan ang kotse mo?" "Nasa tabi lang ng sa'yo." She smugged. Napangisi ako. "Hindi halatang handang handa kana sa lakad natin." Kagaya ko, Otaku rin si Summer. Tumawa siya ng malakas. "Hindi ako handa. Konti lang!" Natawa lang ako ng mahina. "Halika na, baka mahuli pa tayo sa movie dahil diyan sa kayabangan mo." Aya ko at nagsimula nang maglakad patungong garahe. "Nagsalita! Parang noong isang araw lang, ipinagyayabang ng isa diyan ang nabili niyang Condo!" Parinig niya pa. Napalo ko siya sa braso at pareho kaming natawa. Kapag talaga kami ang magsama, kung anu-ano nalang ang napag-uusapan naming kabaliwan. Mabilis lang kaming nakarating sa garahe dahil malapit lang naman ito. Ang kotse ko ay asul at puti naman ang kay Summer. Ngunit nang makalapit kami sa aming kotse ay kaagad sumama ang mood ko ng mamataan ko ang ex-boyfriend ko. "Ano ang ginagawa nang Herald the devil na iyan malapit sa kotse mo?" Nakasimangot na tanong ni Summer. "Aba malay ko! Tanungin mo siya!" Pagsusungit ko. Ayaw kong nakikita kahit isang hibla lang ng buhok niya. Naiinis lang ako. May malapad na ngiti si Herald habang nakatingin sa akin pero inirapan ko lang siya. Huminto ako sa paglapit sa kotse at tumalikod. Naiirita ako sa pagmumukha niya, promise! "Ayoko siyang makausap. Ni makita!" Inis kong sabi kay Summer. Mabilis din naman niyang nakuha ang gusto ko kaya nagmartsa siya palapit kay Herald. "Anong ginagawa mo rito? Hindi ka pa ba nakuntento sa babae mo at hinahabol-habol mo parin ang Bestfriend ko?" Dinig kong singhal ni Summer kay Herald. "I need to talk to her, plea—" "Manhid ka ba? Ayaw niyang makita ka, ni makausap pa kaya? Lubayan mo na siya, pwede ba? Kung kulang pa sa'yo ang babae mo ngayon. Pwede ka namang maghanap diyan sa tabi-tabi na kauri mong may makating ari!" Pinigilan ko ang sariling matawa. Umandar na naman ang bunganga ni Summer. "Pero—" "Herald. Kung talagang mahal mo si Marian, hahayaan mo siyang maging masaya. Gets mo?" Nakagat ko ang labi ko. Oo nga't minahal ko si Herald pero pagkatapos ng ginawa niya ay napalitan na iyon ng galit. "Okay, fine. Pero babalik ako." "Kahit huwag na!" Sigaw ni Summer. Kasabay no'n ay lumapit na siya sa akin. Doon na ako lumingon. "Tapang mo talaga." Puri ko sa kanya. Sana kasing tapang ko rin ang kaibigan ko. "Hayaan mo iyon siya. At tayo na dahil mal-late na tayo sa date natin." Aniya at patakbong lumapit sa sasakyan niya para ipakitang nagmamadali nga talaga siya. Ginaya ko rin siya at mabilis na sumunod nang magsimula na siyang umandar paalis. ~~~•♡•~~~ "Damihan mo ang Popcorn." Bilin ni Summer sa akin dahilan para umirap ako sa hangin. Hindi talaga mahihiwalay si Summer sa Popcorn niya. Addict. Tinapos ko na ang pag-order ng popcorn. Ako kasi ang nakatoka sa popcorn at si Summer naman ang sa drinks. Nang makuha ang kailangan ay pumila na kaagad ako. Mabilis namang sumunod si Summer sa akin. Ang daming tao. Ganito kasikat ang papanoorin namin. Siksikan pa ang pila, mabuti nalang at napaaga ang dating namin dahil kung hindi, wala na kaming mauupuan. Nang makapasok na kami ay kaagad kaming humanap nang magandang pwesto at naupo. "I'm excited." Ani ko. Nagtatayuan pa talaga ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa pananabik. "Ako rin." Ani naman ni Summer na nilalantakan na ang Popcorn. Hindi ko alam kung ang movie ba ang tinutukoy niya o ang popcorn eh. Pero feeling ko, excited talaga siya sa popcorn. "Paano ka nga pala nakakuha ng ticket?" Baling ko sa katabi. Hindi pa naman nagsisimula ang movie kaya ayos lang na magchikahan kami. "Kilala ko ang nagbebenta ng ticket sa isang Ticketing booth. At noon palang nagpareserved na ako sa kanya." "Galing naman. Sabihin mo sa kanya na malaki ang ang pasasalamat ko sa kanya." Ngiti ko. Mabuti nalang may kakilala siyang doon nagtatrabaho. "Makakarating. Uy, magsisimula na." Mabilis akong humarap sa malaking screen. Grabe ang panlalamig ko sa excitement. Yung goosebumps ko, ayaw papigil. Pigil ang hininga ko nang magsimula na ang pelikula. Tutok na tutok ako sa screen nang maramdaman ko ang vibration ng cellphone ko sa bulsa. Lukot ang noo na sinipat ko ito ng tingin. "Si Kuya?" Mabilis kong sinagot ang tawag. "Hello, kuya?" Bungad ko sa kabilang linya nang pabulong. Mahirap na, baka masigawan ako dahil sa ingay. "Hello? Si Marian Jeanette C. Dela Vega ba ito?" Anang boses ng babae. Mas lalo akong nagtaka. Bakit babae ang gumagamit sa cellphone ni Kuya? Girlfriend kaya niya ang kausap ko? "Oo ako nga." "Good evening, Miss! Ipapaalam ko lang po na nasa Hospital ngayon si Forest C. Dela Vega. Wala po siyang kasama kaya baka mapuntahan niyo siya kaagad." Ang kaninang panlalamig ko sa excitement ay napalitan ng takot. Nangatal ang buo kong katawan sa isiping nasa hospital ang kapatid ko. "A-anong nangyari?" "May mga natamo siyang malalim na mga sugat. Nasa kritikal ang kalagayan niya ngayon. Sana mabisita niyo siya kaagad." Napalunok ako ng laway sa pangamba. "Saang Hospital?" "Carmain Hospital." "Salamat po sa impormasyon." Pagtatapos ko sa tawag. Puno ng pag-aalala na nilingon ko si Summer na nakatingin na pala sa akin. Mukhang napansin niya ang pagkabalisa ko. "Sorry, Su!" Hingi ko ng tawad sa kanya. Alam kong gusto niya ring panoorin ang movie pero nawalan na ako ng gana. Mas nangingibabaw sa akin ngayon ang kalagayan at buhay ng kuya ko na nasa malayo. Hindi ko siya ipagpapalit sa kahit na anong personal wants. "Ano ka ba! Tayo na diyan, aalis na tayo." Tulak niya sa akin na ikinatuwa ko ng palihim. Umusal ako ng pasasalamat at mabilis na tumayo at umalis para hindi makaisturbo sa ibang nanonood. Mabilis ang paghakbang namin na binabaybay ang daan patungong garahe. "May nangyari ba?" Usisa niya. "Si Kuya, na hospital. Kailangan ko siyang mapuntahan." Mangiyak-ngiyak kong amin. "Si Kuya Forest?!" Malakas niyang singhap. Malapit ako kay Kuya at ganoon din siya kaya ramdam ko ang biglaang pag-alala niya. "Pero nasa probinsya siya, Ma." "Alam ko. Kaya nga kailangan ko siyang mapuntahan. Wala kasi sina Mom and Dad dahil nasa Business Trip at si Kuya lang ang naiwan doon." "Gusto mo, samahan kita?" Alok niya na ikinailing ko ng mabilis. "Hindi pwede. Kailangan mong pagtuonan ng atensyon ang umuusbong mong career, Su. Kaya hindi ako papayag." Mariin kong tanggi. Ayokong masira ang pagmomodelo niya nang dahil sa akin. Pangarap niya iyon kaya hindi talaga ako papayag. "Pero kaibigan kita, Ma. Hindi ko hahayaan na mag-isa ka lang na susugod sa probinsya nang hindi ako kasama." Giit niya pa ngunit nagmatigas ako. "No. Ganito, kokontakin kita palagi para sa updates, okay? At kung talagang masama na talaga ang sitwasyon, na sana hindi umabot sa ganoon, ay tsaka ka pa sumunod sa akin. Okay?" Nakahinga ako ng maluwag nang tumango siya kalaunan. "Huwag kang papalya sa updates, okay?" Tumango ako. "Hindi ako papalya." "Good. So, kailan ang alis mo?" "As soon as possible." Pagkarating namin sa mga kotse namin ay kaagad din kaming pumasok at pinaharurot iyon pauwi sa condo ko. Nakaconvoy lang si Summer sa akin habang bumibyahe kami. Hanggang ngayon ay nanatili parin ang takot at panginginig ng katawan ko. Hindi na bago sa akin ang ganito dahil sa isang pulis ang kuya ko. Nature na sa trabaho niya ang masaktan. Pero wala ngayon ang parents namin sa bahay kaya sinong mag-aasikaso sa kanya? Ayaw kong isipin ni Forest na wala akong pakialam sa kanya. Lalo pa't nasa kritikal ang kalagayan niya, hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may nangyari sa kanyang masama. Kalahating oras din ang lumipas bago namin narating ang building ng condo namin dahil sa traffic. Maingat akong nag-park at umibis ng sasakyan. Hinintay kong makapagpark si Summer at para sabay na kaming umuwi. Pareho lang kasi kami ng tinutuluyang building. "Sa condo mo tayo." Aniya nang makalapit. Sumang-ayon ako. Para narin makapag-empake ako ng mabilis. Sumakay na kami sa elevator at tumigil sa 4th floor. At gaya nga ng napag-usapan, sa kwarto ko kami dumeretso. "Mag empake ka na. Ako na ang bahala sa flight schedule mo." Utos ni Summer ng mabilis. Pero imbes na kumilos ay napatitig nalang ako sa kanya. Ang bait-bait niya at talagang maaasahan kung kailangan ko nang tulong. "Tutunganga ka lang ba riyan? O kikilos ka na para makapagpahinga ka ng maaga?" Sermon niya habang nakapameywang. Mabilis akong tumango at pumasok sa aking kwarto. Takot ko lang sa kanya. At kahit na nanginginig pa ay pinilit ko ang sariling mag-empake. Naghalo na ang takot at pag-aalala ko para kay Forest kaya mabuti nalang at kasama ko si Summer dahil siguradong hindi ko na alam kung ano ang unang gagawin. Dalawang maleta lang ang dinala ko. Mga importanteng bagay lang ang laman niyon, like gadgets, importanteng damit, mga papeles at personal hygienes. May mga damit naman ako sa bahay namin kaya ayos lang na konti lang ang inimpake kong damit. Nang matapos ay kaagad ko itong dinala sa labas para maihanda. Naabutan ko naman si Summer na may bitbit na tasa ng kape sa dalawang kamay at ipinatong iyon sa lamesita. "Tapos ka na?" Tanong niya na ang tingin ay nasa dala kong maleta. Itinabi ko ang dalawang maleta at tinabihan siya ng upo sa couch. "Importanteng bagay lang ang dala ko." Saad ko. Kinuha ko ang kape sa lamesita at ininom iyon. "Salamat sa kape." "Welcome. You need it to calm your nerves." Tumango ako. Tama siya. Isang mainit na kape lang ang kailangan ko para pakalmahin ang sarili. "And I found an early schedule. By tomorrow, 3:45 AM, aalis ka na." Dagdag niya. Inilagay ko ang tasang hawak at hinarap ang kaibigan kong sobrang maaasahan. "I owe you one." Sambit ko. Hinila niya ako para sa isang mahigpit na yakap. "No, Ma. Tulong ito at hindi utang na loob. Ikumusta mo ako kay Kuya Forest ha? At mag-iingat ka palagi sa probinsya. Mamimiss kita." "Mamimiss din kita ng sobra." Doon na natulog si Summer na condo ko at sinamahan ako hanggang sa pag-alis ko. Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos na biniyayaan ako ng kaibigan na kagaya ni Summer. At sana, sa muling pagbalik ko sa probinsyang kinalakhan ay hindi na maulit pa ang mga pangyayaring pilit ko nang kinakalimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD