Synopsis
"Papa lo, may nakita po akong lalaki, mapula po ang mga mata niya," ani Marian sa napakainosente niyang boses.
"Nakung bata ka! Kung anu-ano nalang iyang sinasabi mo. Walang ganyan anak. Hala! Pasok na sa loob ng bahay at gabing-gabi na," tugon naman ng kanyang lolo.
Walang nagawa ang limang taong gulang na si Marian kundi ang sundin ito. Ngunit kahit na ganoon, alam niya, alam na alam niya ang kanyang nakita. Kahit na ayaw nitong sabihin, alam niya kung ano iyon.
Ayon narin sa mga kwentong kanyang naririnig mula sa mga kaibigan tungkol sa nilalang na may mapupulang mata. May ganyang nilalang daw na nagawi sa baryo ng mga ito. Tinatawag nila iyong Lobo.
Kahit nasa batang edad pa siya, biniyayaan naman siya ng kakaibang talino. Kaya't madali lang siyang makaintindi at umunawa.
Gumayak na si Marian papasok ng bahay pero hindi niya maiwasang hindi matingnan ulit ang malaking puno sa gilid ng kanilang bahay — kung saan niya nakita ang nilalang.
At ganoon nalang ang paninindig ng kanyang balahibo nang masulyapan itong muli roon. Kahit madilim, halata parin ang bulto nito. At kahit hindi niya nakikita ng malinaw, batid niyang nakamasid ito sa kanya. Hindi niya maiwasang panginigan nang masinagan ito ng buwan at masilayan ang ibabang bahagi ng mukha nitong may nakapaskil na ngisi.
Gumagalaw ang bibig nito na wari'y may ibinubulong. Hindi niya matanto kung ano iyon at dahil narin sa labis na kilabot ay tinakbo niya na ang hagdan papasok ng kanilang bahay.
Nakamasid lang ako sa kanya. Binabantayan.
"Mine."
DISCLAIMER!
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Plagiarism is a CRIME!