FIVE YEARS GAP(Prologue-Chapter 2)

785 Words
Prologue: “May jowa kana po?” Natawa na naman siya sa tanong ko. “Wala pa,” Sa gwapo niyang nilalang, wala pa siya no'n? “Bakit po?” “Hinihintay kasi kita,” Naramdaman ko naman ang pag-init ng mukha ko. “Hala ang harot mo kuya, sumbong kita sa teacher ko.” Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko. Anong nakakatawa ro'n? “Joke lang naman hahaha, ang cute mo bata. Nga pala, ano nga palang pangalan mo?” Napatingin naman ako sa kanya. “Balak mo ba akong ligawan kuya? Grade 6 palang po ako tapos Grade 11 kana. Ano nalang sasabihin ng ibang tao kapag naging tayo na? Kuya naman eh, masyado pa po akong bata para sa gan'yan. Studies first pa po ako.”seryosong sabi ko pa. Marami pa talaga akong pangarap sa buhay, ayoko pa magboyfriend pero kung si kuya Tyler lang naman ang magiging boyfriend ko... Ay pwede na pala. Sorry po papa God kung masyado akong maharot, ngayon lang naman po eh. CHAPTER 1 Maaga akong nagising ngayon dahil excited akong pumasok kasi may magtuturong mga estudyante sa paaralan namin. Sabi ni Ma'am estudyante raw magtuturo sa’min ngayon. 1 week daw sila mag stay sa school namin tapos tuturuan kami. Senior highschool na sila habang kaming tuturuan nila ay elementary palang. Grade 6 pa lang ako ngayon at malapit na ako mag graduate. “Bashang, halina't kakain na tayo.”pagtawag sa'kin ni mama. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na Bashang ang palayaw nila mama sa'kin hanggang sa kumalat sa mga pinsan ko at umabot sa mga tsismosa naming kapitbahay at pati na rin sa mga classmate kong mga panget din ang pangalan. Buti nalang talaga hindi 'yon ang totoo kong pangalan. Baize Shanti talaga name ko, ganda-ganda tapos 'yong palayaw ko parang panahon pa ni manong Lapu-Lapu. Sabagay si lola nga pala nakaisip nito kaya hindi na nakakagulat. “Bashang!”muling pagtawag ni mama. “Heto na po,”sagot ko naman agad bago lumabas sa kwarto. Agad akong kumain dahil gusto ko nang makapunta sa paaralan. Pagkatapos kong kumain ay agad na akong nagsepilyo tapos nagsuklay at naglagay ng kaunting pulbos sa mukha. Matapos kong ayusin ang sarili ko ay agad ko nang kinuha ang bag ko at nagpaalam na kila mama. “Mama, papa papasok na po ako,”paalam ko pa bago lumabas ng bahay. “Ingat anak,”rinig ko pang sabi nila. Dumeretso agad ako sa kapitbahay naming tsismosa na si Aling Denya. Palagi ko kasing kasabay pumasok ang anak niyang si Dose. Panget ng pangalan noh? Parang 'yong isang dosena lang. “Aling Denya, nasa'n po si Dose?”tanong ko pa. “Naku bashang may lagnat siya kagabi kaya hindi ko muna papapasukin ngayon, heto nga't may excuse letter siya. Pakibigay nalang sa teacher niyo ha?”bilin pa nito. “Opo, sige po Aling Denya. Papasok na po ako,” Inilagay ko kaagad sa bag ang excuse letter ni Dose, mahirap na baka mawala pa. “Sige----nga pala uuwi pala kuya mo? Dalahan mo kami chocolates 'pag may dala siya ha?” Tsismosa na, makapal pa. “Sige po,” Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa paaralan namin. Nilalakad ko lamang ito kasi malapit lang naman. Kakaunti palang pala ang estudyante, masyado akong napaaga. Kaagad ko namang napansin ang mga dalaga't binata na naglalakad-lakad sa campus namin. Sila ata 'yong magtuturo. Mas lalo naman akong na-excite kaya mabilis akong tumakbo papunta sa room namin. Subalit sa hindi inaasahang pangyayare, bigla na lamang akong natalisod kaya bigla akong nadapa. Ang inaakala kong walang nakakita ay meron pala. Gustuhin ko mang tumayo kaya lang nasugatan ang tuhod ko kaya hindi ko magawang makatayo. Napayuko na lamang ako at iniinda ang sakit kasi masyadong malakas 'yong pagkakadapa ko. “Ayan Bashang hahhaha,” “Lampa hahahahaha,” “Tatanga-tanga ka talaga Bashang hahahahaha,” Agad akong pinagtawanan ng mga Grade 4 at Grade 3. Bwisit sila, madapa rin sana sila mamaya. “Mga bata, bakit niyo siya pinagtatawan? Nadapa na nga siya't nasugatan, hindi niyo man lang nagawang tulungan?”mahihimigan ang galit sa tono ng isang lalaki. Naiangat ko agad ang ulo ko at agad na nagtama ang tingin namin ng isang lalaki. Hala ang gwapo niya. “Sorry po, sir Tyler.” “Sorry po,” “Paumanhin po,”rinig ko pang saad ng ilang mga estudyante. Napansin kong nagsialisan na ang mga ito kaya naiwan nalang kaming dalawa. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa dibdib ko nang unti-unti siyang lumalapit sa'kin. Hala ano 'to? Akmang tatayo na sana ko kaya lang mabilis naman siyang nakalapit sa'kin. "Where are you going?"tanong pa nito. Bigla akong kinabahan kasi hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Joke. Englishero ata siya, siguro taga-America siya. Sabi kasi nila mama kapag nag-eenglish daw ay taga-America. “Taga-America ka po ba?”tanong ko naman agad. Biglang nangunot ang noo niya. "What?" Ay hindi ata nakakaintindi, pero kanina nagtagalog siya eh. “Ahm ano po... I--- I said ano----- are you America? Ay ano ba 'yan ang hirap naman mag english,” Ang kaninang nakakunot-noo niya ay napalitan ng nagpipigil na tawang mukha. “Magtagalog kana lang bata hahaha,”tuluyan na siyang natawa. “Marunong ka naman pala magtagalog kuya, pinapahirapan mo pa ako.”nakabusangot ko pang sabi. Napatingin naman siya sa sugat ko sa tuhod, “Dumudugo sugat mo oh, saan dito ang clinic niyo? Dadalhin kita do'n,” Bigla naman akong kinilig. Concern ata si kuya. Nalabas pa dimple niya sa kanan habang nagsasalita. Sa halip na sagutin ang tanong niya ay iba ang nasabi ko. “Kuya ang cute po ng dimple mo,”nakangiting saad ko. Bigla naman siyang natawa. Dalawa pala dimple niya ngayon ko lang napansin. Medyo mababaw lang sa kaliwa kaya nalabas lang ito kapag tatawa siya hindi gaya sa kanan na malalim kaya kahit nagsasalita ay lumalabas. “Isa ka po ba sa magtuturo sa'min?”tanong ko pa. Tumango naman siya. “Ano pong pangalan mo kuya?” “Tyler Jieze Diño.” “Ilang taon at anong Grade kana po?” “17 and Grade 11.” 17 na siya habang 12 years old palang ako. O my gosh mas gusto ko 'to. “May jowa kana po?” Natawa na naman siya sa tanong ko. “Wala pa,” Sa gwapo niyang nilalang, wala pa siya no'n? “Bakit po?” “Hinihintay kasi kita.” CHAPTER 2 “Hinihintay kasi kita.” Naramdaman ko naman ang pag-init ng mukha ko. “Hala ang harot mo kuya, sumbong kita sa teacher ko.” Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko. Anong nakakatawa ro'n? “Joke lang naman hahaha, ang cute mo bata. Nga pala, ano nga palang pangalan mo?” Napatingin naman ako sa kanya. “Balak mo ba akong ligawan kuya? Grade 6 palang po ako tapos Grade 11 kana. Ano nalang sasabihin ng ibang tao kapag naging tayo na? Kuya naman eh, masyado pa po akong bata para sa gan'yan. Studies first pa po ako.”seryosong sabi ko pa. Marami pa talaga akong pangarap sa buhay, ayoko pa magboyfriend pero kung si kuya Tyler lang naman ang magiging boyfriend ko... Ay pwede na pala. Napahagalpak naman siya ng tawa. Baliw ata si kuya. “Bata, pangalan mo lang naman ang tinatanong ko. Wala akong sinabing liligawan kita or what,”aniya pa. Hala ang assuming ko naman pala. “S-sorry naman po hehe. Ako po si Baize Shanti Flores, nakatira do'n po sa malapit sa parke tapos 12 years old palang po ako kaya bawal pa po ako magjowa. Ang pangalan naman po ng mama ko-------”hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niyang tinakpan ang bibig ko. “Pangalan lang tinatanong ko bata hindi ko sinabing ipakilala mo sarili mo hahaha nakakatuwa ka talagang kausap.”tumatawang sabi niya pa. “Sorry po ulit, nga pala kuya Bashang nalang po itawag mo sa'kin.” “I prefer to call you ‘bata’ than ‘bashang’ hahaha,” Nangunot naman ang noo ko. “Bakit po?” “Kasi ang liit mo tapos ang daldal mo pa, bagay lang sayo tawaging bata.” Aray ha? ------ Andito na ako ngayon sa room, kakagaling ko lang sa clinic. Dinala kasi ako ro'n ni kuya Tyler. “Binibini, maaari ka bang magpakilala?” Bigla akong nagulat sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Hala ang gwapo niya rin. Napanganga agad ako dahil sa gwapo niyang mukha. Kasamahan ata siya ni kuya Tyler. “Bashang ang laway mo tutulo na hahahaha.”tumatawang sabi pa ng kaklase kong si Jano. Kahit kailan talaga papansin 'tong lalaking 'to, siguro crush niya ako. Nagsitawanan naman ang iba kong kaklase. Edi magsama-sama sila. “MAGSITAHIMIK!”bulyaw nitong lalaking nasa harapan ko. Grabe, ang lakas ng boses. Natakot naman agad ang mga kaklase ko kaya nanahimik ang mga ito. Buti nga sakanila. “Binibini, maaari ka bang tumayo at ipakilala ang iyong sarili?” Ayoko po. Joke. Minabuti kong sumunod na lamang sa sinabi niya kasi baka masigawan pa ako nito. “A-ako po si Baize Shanti Flores, labing-dalawang taong gulang na po ako. Sir tawagin niyo nalang po akong Bashang.”sagot ko naman. “Sige binibining bashang,”saad naman nito. Natawa naman ang mga kaklase ko at maging ako sa sinabi ni sir. Ang dugyot naman ng ‘binibining Bashang’ Tiningnan naman kami nang masama ni sir kaya agad din kaming nanahimik. Pumunta na siya sa unahan at muling nagpakilala. “Ang daya ni sir, si Bashang lang tinanong ang pangalan tapos sa’tin hindi.” “Oo nga,” Rinig ko pang bulong ng ilang kaklase kong babae. “Inuulit ko, ako si Jarred Gonzales at ako ang magiging guro ninyo sa Filipino.” Pinagmasdan ko ang mukha ni Sir. Ang gwapo rin niya. Naisipan ko namang tumaas ng kamay. “Ano 'yon binibining bashang?” Natatawa na naman tuloy ako. “Classmate niyo po ba si kuya Tyler?”tanong ko naman. Nangunot naman agad ang noo ko. “Oo, bakit? Crush mo ba siya?”sunod-sunod naman na tanong nito. Nanlaki naman agad ang mata ko. “Hala sir, hindi noh!” “Weh?” “Slight po pala...” ITUTULOY...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD