Five years gap(Chapter 6-8)

1515 Words
Chapter 6 Nawalan na akong gana makinig sa itinuturo sa'min. Nakakainis siya. Sabi niya, wala siyang girlfriend tapos ngayon malalaman ko na meron na pala. Sa mga sumunod na subject ay wala pa rin akong gana hanggang sa Math na ang naging subject at laking gulat ko nang si kuya Tyler ang pumasok. So siya ang magtuturo? Agad akong tumayo at dumeretso malapit sakanya na kasalukuyan nang nasa table. “Kuya Ty----ah este sir Tyler cr lang ho ako,”paalam ko pa. Hindi ko man lang nagawang tingnan siya sa mga mata niya. Naiinis ako sakanya. Akmang tatalikuran ko na siya nang biglang hawakan niya ang braso ko. “Ayos ka lang bata?”tila nag-aalalang tanong niya. Do'n ko lamang nagawang tingnan sa kanyang mga mata. Peke akong napangiti. “Oo, ikaw ayos ka lang sir?”pabalang na sagot ko. Nangunot ang noo niya at unti-unting nabitawan ang braso ko kaya nagkaroon ako ng tsansang tuluyang makaalis. Dumeretso agad ako sa CR. Kung siya lang naman magtuturo sa subject na 'yon, mas mabuti pang hindi nalang pumasok. Dito na lang muna ako hanggang sa matapos ang subject niya. Hanggang sa lumipas na ang limang minuto kaya mas lalo akong nabagot dito sa loob ng CR, baka kasi 'pag lumabas ako may makakita sa'kin. Sa huli mas pinili ko nalang lumabas kasi baka mabaliw ako dito sa loob. Pagkabukas ko pa lamang ng pintuan ay agad na bumungad sa'kin si sir Jarred. “S-sir...”pahina nang pahinang sabi ko. Napangiti naman ito. “Kanina pa kita hinihintay,” Nanlaki naman agad mga mata ko. “Po? Ako po?” Napatango naman ito, “Yep,” “B-bakit po?”kinakabahang tanong ko. Tiningnan naman nito kabuoan ko bago muling nagsalita. “Bakit hindi ka pumasok sa subject ni Tyler?” Bigla akong kinabahan sa tanong nito. “Sir... a-ano po kasi eh.. Uhm ano po...”hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Tinitigan naman ako nito. “Usap muna tayo, tara sa bench.”nauna na itong lumakad patungo sa bench kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod. Agad naman siyang umupo at gano'n din ako. “Akala ko ba crush mo si Tyler, bakit hindi ka pumasok sa subject niya?” Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. “H-hindi ko naman po siya crush sir,”pagsisinungaling ko pa. “Talaga ba?” “O-opo...” “So sinong crush mo?”deretsong tanong nito. “Ikaw po,”biro ko pa. Napatingin naman siya sa'kin bago natawa. “Baliw hahaha,” “Joke lang sir hahaha,” “I know Bashang.” Habang tumatawa kami bigla na lamang may nagsalita sa likuran namin. “What the hell Jarred? Dito talaga?” Isang pamilyar na boses ang nagsalita. Si kuya Tyler. “My girl, seriously?” My girl? Anong ibig niyang sabihin? Chapter 7 Nagulat na lamang ako sa biglaang paghila sa'kin ni kuya Tyler. “A-aray ano ba kuya Tyler?”angal ko pa. “Go back to your room,”saad pa nito. Bakas ang galit sa kanyang tono. Bigla tuloy akong kinabahan. “Kaya ko naman ho maglakad, hindi mo na kailangan hilahin pa ako.”tinanggal ko naman ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Akmang kukunin niya ulit ang braso ko nang matigil siya dahil may nagsalita sa likuran namin. “What's wrong with you TJ?”biglang tanong ng nasa likuran namin, si sir Jarred. Hinarap naman ito ni kuya Tyler. “Alam mo namang may klase siya, hahayaan mo lang dito tapos ang lakas pa ng loob mong kausapin siya sa bench, seriously Jarred?”sarkastikong sabi ni kuya Tyler. Nakakatakot siya magalit. “Anong magagawa ko? Eh ayaw niyang pumasok sa subject mo,”may pang-aasar sa tono ng pananalita ni sir Jarred. Bigla namang napatingin sa'kin si kuya Tyler. “Bakit?” Hindi ko nagawang magsalita kaya nagulat nalang ako sa biglaang paghila ulit nito sa'kin, naiwan na si sir Jarred. “MAG-USAP TAYO!” Namalayan ko nalang na nasa likod na kami ng room ng Grade 3. May tambayan kasi dito at madalas din akong tumambay dito kapag tanghali. Umupo kami sa isang kahoy na malaki. Ito talaga ang upuan dito. “Bakit ayaw mong pumasok sa subject ko?”tanong agad nito. Napatingin ako nang deretso sa mga mata niya. Sa halip na sagutin ang tanong niya ay mas pinili kong tanungin din siya, “Bakit nagsinungaling ka sa'kin?” Nangunot naman bigla ang noo niya. “What do you mean?” Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi. “S-sabi mo... Ano sabi mo sa'kin wala kang a-ano...”hindi ko maituloy ang sasabihin ko. “What?”nagugulahan pa ring tanong niya. “Sabi mo wala kang girlfriend.” Sa wakas nasabi ko rin. “Wala naman talaga----”hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya. “Ayan napakasinungaling mo talaga kuya Tyler, nakakainis ka.”pagmamaktol ko pa. “Wala nga bata,” Bigla naman itong natawa. “Wait? A-are you jealous?” Ano 'yon? “Jealous?”tanong ko pa. “Nagseselos ka ba?” Nanlaki naman bigla ang mga mata ko. “Kapal mo kuya, syempre hindi noh!” “Oh bakit ka nagagalit?” “Bakit ka nagsinungaling?”tanong ko naman. Natawa na naman siya. “Ang kulit mo bata, wala nga akong girlfriend.” “Eh sino si ma'am Fiona aber?” Mas lalo lamang siyang natawa sa tanong ko. Anong nakakatawa? “Siya ba ang tinutukoy mong girlfriend ko, bata?” Napatango naman ako. Muli siyang natawa. “Hindi ko siya girlfriend bata,” “Ano mo siya?” “May gusto siya sa'kin at matagal nang naghahabol. Hindi ako interesado sa babaeng 'yon kasi hindi ko gusto ang ugali niya. Wala rin akong planong ligawan 'yon if ever.” “Weh? Totoo 'yan?” Natawa na naman siya. “Yes.” “So kanino ka interesado kuya Tyler?” “Sa’yo.” Chapter 8 Ngayon ang ikatlong araw nila kuya Tyler sa school namin. Kagaya kahapon ay sabay ulit kami pumasok. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya kahapon na interesado siya sa'kin kasi baka iba naman ang ibig sabihin niya ro'n. “Kuya Tyler mahirap po kapag nasa senior highschool na?”biglang tanong ko habang naglalakad kami. Napangiti naman ito, “Hindi naman,” “Talaga po?” “Kung gusto mo ang pinasok mong strand hindi ka mahihirapan.” Naguluhan naman ako sa sinabi niya. “Ano pong ibig mong sabihin kuya?” Deretso naman itong napatingin sa'kin. “Kagaya ko gusto kong maging engineer kaya STEM strand ang pinasok ko, hindi naman ako nahihirapan kasi ginusto kong piliin ang strand na 'yon at pinag-aaralan ko talagang maigi para maintindihan ko.” Napatango-tango naman ako. “Ah gano'n pala...” Mabilis lang kami nakarating sa school kasi malapit lamang ito. Hinatid naman agad ako ni kuya Tyler sa room namin. “Salamat kuya Tyler,”nakangiting saad ko pa. “Walang anu-----”hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil may biglang nagsalita sa likuran namin. “So totoo pala talagang hatid-sundo mo 'yang batang 'yan TJ?”mataray na tanong ng babaeng nasa likuran ni kuya Tyler. Hinarap naman ito ni kuya Tyler. “Fiona? What are you doing here?”kunot-noong tanong naman ni kuya Tyler. Siya pala si Ma'am Fiona? Totoo pala talagang maganda siya, bagay na bagay sila ni kuya Tyler. Sa halip na sagutin niya ang tanong ni kuya Tyler ay matiim ako nitong tinitigan mula ulo hanggang paa. Matapos niya akong tingnan ay lumapit siya kay kuya Tyler at ikinawit niya ang kanyang kamay sa braso ni kuya Tyler. “Masama bang mamiss ka baby?”nakangiting tanong niya kay kuya Tyler. Napaiwas naman ako ng tingin sa sinabi nito. “What the f**k Fiona?”galit na sabi nito. Napansin ko naman ang pasimpleng pag-alis niya sa kamay ni ma'am Fiona na nasa braso niya. “K-kuya Tyler papasok na ho ako sa room.”paalam ko pa at akmang tatalikuran ko na sila nang bigla kong maramdamang may humawak sa braso ko kaya muli akong napaharap sakanila. “Susunduin ulit kita mamaya dito sa room mo, okay?” Hindi ko magawang sumagot kasi natatakot ako sa sasabihin ni ma'am Fiona. “Narinig mo ba bata?” Napatingin ako kay Ma'am Fiona at masama na ang tingin nito sa'kin. “H-hindi na po kuya, s-si ma'am Fiona nalang po sunduin mo.” Tiningnan niya naman ako at maging si ma'am Fiona. “Bakit ko naman siya susunduin? Nililigawan ko ba siya?” Biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “What the hell TJ? So sinasabi mo bang nililigawan mo ang batang 'yan?”galit na tanong ni ma'am Fiona. Mas lalo naman akong kinabahan. Nginitian naman ni kuya Tyler si ma'am Fiona. “Bakit? Masama bang ligawan ang batang katulad niya?”tanong nito bago ako nginitian nang matamis. Ibig bang sabihin nito... Nililigawan ako ni kuya Tyler? ITUTULOY...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD