1 Kabanata: Simula
"Nicole, pumayag ka na magpakasal sa akin." Nagmamakaawang sabi ni Adamsom sa akin.
Ilang buwan pa lang kami pero gusto niya kasal agad? Ayaw ko dahil baka sabihin nila na yaman lang ang gusto ko sa kanya kaya magpapakasal agad ako?
"Adam, mahal kita. Pero ayaw kong pumayag na magpakasal agad sa'yo." Deritso kong sabi sa kanya.
"Please, pumayag ka na pakasalan kita." Pumikit ako at hinilot ang sintido ko na kanina pa sumasakit.
Ilang beses na rin niya akong tinatanong na magpakasal na kami. Alam kong madaming masasabi ang ibang tao sa akin. Alam nila na baka pag pinakasalan ko siya, yaman lang ang hanap ko.
" 'Wag muna ngayon, Adam." Pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil sa pangungulit ni Adam sa akin.
"Sige na, papasok na ako." Paalam ko at bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Ito, baon mo." Sabay abot ng sampung libo kaya kumunot ang noo ko dahil kabibigay niya lang noong isang araw.
"May natira pa sa binigay mo sa akin noong isang araw." Paalaa ko at kumunot ang noo ni Adam.
"Baka naman hindi ka kumakain?" tanong niya at umiling agad ako.
"Alangan namang gastusin ko lahat sa isang kainan lang?" natatawa kong tanong at napailing siya.
"Basta, kunin mo na 'to." Pinilit niyang ibinigay sa akin at ganito siya. Mapilit at magtatampo siya kung hindi ko kukunin ang ibibigay niya.
Hinalikan niya ako bigla sa noo.
"You can go, I'll see you later." Pagkasabi niya tumango ako at ngumiti.
Pagbaba ko ng sasakyan ni Adam, ang daming nakatingin sa akin. Para bang pumatay ako ng tao dahil sa mga tingin nila! Hindi ko na lang sila pinansin pa. Dumiretso ako sa room namin.
"Nics!" napalingon ako sa tumawag sa akin.
Si Andrea pala, ang bestfriend ko simula noong elementary kami. Magkasing edad lang kami at noong huminto ako sa pag aaral, huminto rin siya. Dahil daw twinning kami!
"Kamusta kayo?" bungad na tanong sa akin ni Andrea.
"Okay lang naman. Pinipilit ako na magpakasal sa kanya." Tumawa si Andrea nang napakalakas at kita na ang ngala-ngala niya.
"Pakasalan mo na kasi! Alam mo namang mahal na mahal ka niya! Saka, matagal na rin kayo." Sabi niya at kumunot ang noo ko.
"Hindi naman ganon kadali 'yon." Maktol ko at bigla niya akong inakbayan.
"Kung iniisip mo ang sasabihin ng iba, 'wag mo sila pakikinggan. Ano naman ambag nila sa'yo?" seryosong tanong ni Andrea sa akin.
Nang makarating kami sa room namin ay tumahimik muna kami. Graduating student ako at Tourism course ang kinuha ko. Para naman magamit ko in the future. Kahit hindi ako pinaaral nila Mama, ginawa ko ang makakaya ko para makapag-aral.
Nasa probinsya namin sila Mama at ang kapatid kong babae. Mas gusto ni Mama si Nadine kaysa sa akin. Kaya naman nang sinabi niya sa akin na hindi niya ako paaralin at si Nadine ang mag aaral, sumama talaga ang loob ko. Mas paborito niya ang anak niya sa labas na si Nadine. Kaya lumayas ako at nagpatuloy sa buhay ko.
"Nakabayad ka na ba ng graduation fee?" bulong sa akin ni Andrea at tumango ako.
Si Adam ang nagbayad lahat at sabi ko naman ay kaya ko naman gastusan ang pag aaral ko dahil may trabaho ako. Pero isang araw, nang magbabayad na ako ay bayad na daw lahat at wala na akong babayaran kahit piso. Kaya sobrang gulat na gulat ako!
"Bakit ikaw? Hindi ka pa ba nakabayad?" tanong ko kay Andrea at umiling siya.
Alam kong hindi mayaman ang pamilya ni Andrea at kagaya ko si Andrea na working student para magpatuloy sa pag aaral niya.
"Ito oh," sabay abot ko nang limang libo at nagulat siya.
"Sige na, kunin mo na." Sabi ko at binigay sa kanya.
Ganito rin siya pag walang-wala ako. Siya ang nagbibigay sa akin kaya oras na rin para makabawi ako sa kanya.
"Salamat. Ibabalik ko rin." Naiiyak pa siya habang sinasabi 'yon.
"Ano ka ba. Kahit wag mo nang bayaran." Sabi ko at ngumiti.
Habang nagkaklase kami, tingin ng tingin sa akin ang mga kaklase ko na para bang may ginawa among krimen. Pero alam ko na kung ano ang ibig sabihin non. Kalat rin dito sa school na boyfriend ko si Adam at golddiger daw ako kahit hindi naman.
Hanggang sa natapos ang klase namin. Nagmadaling umuwi si Andrea dahil may emergency daw. Kaya ako na lang ang mag isang naglalakad.
Kaya pumasok muna ako sa club na pinapasukan ko bilang entertainer. Mahirap ang trabaho ko pero nasanay na rin ako. Marami na rin sumubok na bilhin ako pero hindi ako pumapayag. Kesyo one night stand lang daw. Hindi talaga ako pumayag!
Ilang oras lang ang trabaho ko at uwian na ulit. Okay naman ang sweldo ko dito, medyo malaki na kumpara noong nagsisimula ako.
"Ma'am Nicole!" may tumawag sa akin at nakita ko ang driver ni Adam ang nagtatawag sa akin.
Ibig sabihin, sinusundo na naman niya ako? Agad akong lumapit sa sasakyan at binuksan ang pinto. Nakita ko si Adam na nakangiti, nakakahawa talaga ang ngiti niya! Nakakainis! Kahit mag edad na siya ang gwapo pa rin niya.
"Hello, honey." Niyakap niya agad ako.
"Pakasal na tayo? Gustong-gusto kita pakasalan baka may umagaw pa sa akin." Hindi ko alam pero bigla akong kinilig sa sinabi niya!
Bigla tuloy akong napaisip. Okay naman siguro na magpakasal na rin. Matagal na rin patay ang asawa ni Adam. Kailangan na rin niya ng makakasama dahil tumatanda na siya.
"Adam, pumapayag na ako magpakasal sa'yo." Napatingin si Adam sa akin at ngumiti.
"Talaga? Pumapayag ka na?" tumango ako at hindi siya makapaniwala.
"Basta, Adam. Gusto ko simpleng kasal lang. Walang masyadong bisita." Sabi ko at tumango siya.
"Of course, honey." Sobrang saya niya nang sabihin 'yon. Out of nowhere bigla akong pumayag. Kasi iniisip ko tumatanda na rin siya, wala siyang kasama sa pagtanda niya.
Nakita ko na sa picture ang dalawang anak niya at hindi pa sa personal. Si Nickolas at Lawrence. Si Nickolas ay mas ahead sa akin, twenty eight years old, ang height niya ay nasa 5'8. Isa siyang businessman, super busy at hindi niya na pinupuntahan si Adam. Si Lawrence naman mas basta sa akin. Twenty five years old, may 5'7 na height. May ari siya ng isang Casa ng mga mamahalin na sasakyan. Hindi sila magkasundo ni Adam.
Sinabi at nagkwento si Adam sa akin tungkol sa mga anak niya. Noong nabubuhay pa ang asawa ni Adam okay naman daw silang lahat pero nang mawala ang mommy nila. Bigla silang nagbago at parang kinamuhian nila si Adam.
Ako si Nicole Rivera, isang working student. Twenty six years old, may height na 5'5, morena. Ito nga pala ang kwento ko.