Ceres POV Hindi ko na nga napigilan ang bahagyang matawa, napapailing akong napatingin sa kanya. Wala akong masabi, hindi naman siya nakikinig sa sinabi ko, obvious naman na ayaw kong mapalapit sa kanya. Pero heto siya! Mataman niya lamang akong tinitigan, may kakaiba sa kanyang mga tingin sa akin na hindi ko mawari. Pero hindi naman ako interesado pa kung ano man ang emosyon na meron sa mga mata niya ngayon, mahal ko siya pero hindi ibig sabihin nun napatawad ko na siya sa ginawa niya sa akin, ok na sana ako diba? Ang hindi siya makita ay ok sa akin. Pero heto siya sa harap ko at sa masaklap na pangyayari ay boss ko pa siya at ngayon andito siya sa harapan ko, kinakausap ako ng kalmado at nag offer pa na ihahatid ako. Tangina! Seryoso ba siya sa buhay niya?! "Hindi na po.." Tanging

