Ceres POV Agad akong napalayo sa kanya nang lumakas ang kutob ko kung sino ito. "Ceres.." Awtomatik na nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang marinig ang baritonong boses na iyon, sa dalawang buwan na hindi ko ito nakita at narinig ang boses nito, nakaramdam ako ng pananabik, at aminin ko man o hindi, namiss ko siya. Napalunok ako at nag angat nang tingin, malakas ang kabog ng puso ko nang sa wakas ay nasilayan ko na ang mukha nito, umawang ang bibig ko at ilang beses akong napakurap. "N-ninong Mavroz.." Mahinang muntawi ko. Nangangatal ang labi ko at nanlalamig ang aking kamay. Bakit siya nandito? Maaliwalas ang mukha nito habang titig na titig sa akin, basi sa reaksyon niya ay wala akong makitaan na nagulat ito nang makita ako, na para bang expected niya na akong makita

