Ceres POV Tatlong linggo na ang lumipas nang magsimula akong mag trabaho sa Apex hardware, at napaka smooth lang ng naging trabaho ko, medyo nakakapagod pero kayang kaya ko naman. Syempre nasanay nadin naman ako kaya nagiging madali nadin sa akin ang mga trabaho ko. At nakapag adjust nadin ako sa paninirahan ko sa apartment na mag isa, masaya din naman pala kapag ikaw lang mag isa dahil mas marami kading oras para sa sarili mo, hindi ko din napapabayaan ang kalusugan ko kahit may mga oras na over time kami sa trabaho, pero minsan lang naman nangyayari iyon. Mostly nag o open ang store 8am at dapat 6:30 am andito na ako, at ang closing time naman ay 5pm at kapag may over time ay mga 8pm na ang pinakamatagal na uwian namin. Kaya palagi padin akong may time para sa sarili ko yun nga lang

