Ceres POV "Daddy wag na po kayong malungkot, hindi naman po ako pupunta sa malayong lugar.." Natatawa kong saad kay daddy habang hinihimas ko ang likuran nito, malungkot ito habang andito kami ngayon sa dining area, nasa kalagitnaan kami ng pananghalian. "Oo nga naman honey, lilipat lang naman ng apartment ang anak mo, at pwede naman natin siyang puntahan kahit anong araw..malapit lang naman.." Si tita rose na nasa tabi lang ni daddy, ako naman ay nakatayo sa gilid ni daddy. "Ito ang kauna unahan na bubukod ka sa amin, nag aalala lang naman ako sayo anak, pwede ka parin naman tumira dito kahit may trabaho kana, mas makakatipid ka pa.." "Daddy, sabi ko naman sa inyu na gusto ko na maging independent..gusto ko na sanayin ang sarili ko na mag isa, gusto kong matutong tumayo sa sariling

