Love At First Sight
Unknown Chapter 01;
"Gumising na kayo mga prinsipe at prinsesa, may pupuntahan diba tayo ngayon?" malambing na saad ni Mama.
"Opo Ma, five minutes pa please." pakiusap ng kapatid kong tamad.
"Oo nga Mama" sambit ng bunso.
"Hay naku gumising na nga kayo, aga aga ang tatamad ninyo!" sabi ko habang nakahiga at nakatago sa malambot kong unan.
"Naku, eh ikaw nga di pa rin bumabangon." saad ng aking nanay.
"Opo, babangon na..." ani ko.
Nagsimula na kaming maghilamos at alisin ang aking muta.
After that, nagalmusal na kami, pagkatapos naligo at nagbihis dahil nga may pupuntahan kame.
"Dalian niyo na ha, para kayong pagong kumilos." sabi ni Papa.
Jusko pa, di kami robot.
"Papa, saan nga pala tayo pupunta?" tanong ng bunso kong kapatid.
"Dadalaw tayo sa puntod ng lola niyo." sabi ni Mama.
"Ah ganun po pala, pagkatapos po anong gagawin natin?" tanong ng pangalawa kong kapatid habang kumakain ng kuko niya nasasarapan ata.
"Sino gusto mag Jolibee?" tanong ni papa.
"Ako!" sabay sabay naming sagot.
"Sige pagkatapos nating dumalaw kay lola niyo, pupunta tayu sa mall at kakain sa Jolli-kud." sabi ni Papa.
"Papa!" sigaw namin.
Nandito na kami ngayon sa sementeryo nang biglang nagsalita yung kapatid ko.
"Pa,bili ka pancake o" sabay turo sa nagtitinda.
"Naku, wag na wala akong pambili." saad ni Tatay.
"Hala si papa, eh bat tayo magjajolibee kung wala kang pambili?" tanong niya.
"Ah so ayaw mo mag Jolibee, edi sa Joliikud nalang tayu ha" saad nito.
"Si kuya kasi." saad ng bunso.
At so yun nga, di nga talaga kami sa Joliikud kakain kce joke lang pala yun ni Papa, bigatin kce si Papa. ?
"Wow, ang ganda nung christmas tree." saad ng bunso kong kapatid.
Magapasko na rin kce kaya may Xmas tree na sa mall.
Pumasok na kami sa Jollibee at umupo dahil si mama ay nasa counter na upang mag order.
Habang nakaupo, nakatingin ako sa labas ng Jolli, syempre usyusera ako, tinitingnan ko yung mga dumadaan.
Habang naka tulala dahil naiinggit ako sa isang bata na nakaboots na Pink, nakuha ang aking atensyon ng isang lalaki... maputi, mataas, at medj may pagka dark blue ang buhok.
Siya ay nakahoodie jacket with backpack at nakapants na denim.
Nakita ko silang pumasok sa Chowking Restaurant, kasama ang isang batang babae na siguro mga 6 years old at ang kanyang kapatid na lalaki na sa tingin ko ay 18 years old palang at syempre ang nanay nila.
Di ko alam kung bakit na tulala ako, tinitingnan ko parin siya.
Maraming pumasok sa aking isipan ewan ko ba para akong baliw.
Habang ako'y nakatulala at nakatitig sa maamo niyang mukha.
"FAYE!" nagulat ako nang sumigaw si nanay.
"Po?" tanong ko.
"Ano ba, saan ka tumitingin kanina pa kita tinatawag. Tulungan mo ko sa pagkuha nung order." ani niya kaya sumunod ako papunta sa counter.
Nakuha na namin at nailagay sa lamesa ang order.
Nagsimula na kaming kumain. After ilang minuto natapos na ako ngunit sila ay di pa.
Nakita ko na pauwi na yung lalaki at yung kasama niya kaya tinitingnan ko ito habang naglalakad, nag-uusap sila nung lalaking mas matanda sa kanya at biglang ngumiti.
"Gosh! Naka brace,Sana all" sabi ko sa sarili.
Weyt nauhaw ako iinom na sana ako nang biglang nasagi ng siko ko yung coke.
"Ay patay!" sigaw ko.
Dali dali kong pinunasan yung natapon na coke.
"Hoy ano ba?" tanong ni Papa at napakamot ng noo.
"Sorry po di ko sadya." sabi ko.
Nang matapos ko punasan yung natapon na Coke, tumingin ulit ako sa may labas ng Jollibee, hala wala na yung lalaki, hay ano ba yan di ko man lang nalaman pangalan niya.
"Badtrip!" sabi ko at napasimangut