Chapter Fifteen Mukhang puyat ang mga tauhan ni Knoxx. Ilan sa kanila ay panay ang hikab. Habang ako ay naging masarap ang tulog. Pangiti-ngiti ako. Pinuntahan ako ni Ory at sinabihan na kasabay kong kakain ng almusal si Knoxx. Kaya ito pababa na ako. Pagdating ko sa dining room ay naroon na ang lalaki. "Hi! Kumusta? Masarap ba ang tulog mo?" ngising-ngisi na tanong ko. Masama ang naging titig nito sa akin. Tiyak na naisip na nitong niloloko ko lang siya tungkol sa pagtakas. "Maupo ka. Pagkatapos kumain ay may pupuntahan tayo," ani ng lalaki. "Saan?" usisa ko. Aba'y kailangan kong malaman. Baka katulad no'ng nakipagbarilan ito. Siyempre hindi ako sasama kapag gano'n. "Hindi mo na kailangan pang malaman." Sagot nito saka nito dinampot ang tasa niya ng kape. "Aba'y kailangan ko par

