Chapter Four
Inihatid namin si Lila sa bahay nila bago kami umalis. Gabi na. Naglakad kami pabalik sa ilalim ng tulay. Pero pagdating namin doon ay may mga taong nililimas ang mga gamit namin doon.
"Hoy!" tarang ani namin na napatakbo at sinubukan pigilan ang mga taong nagtatapon ng gamit namin sa truck ng basura. "Anong ginagawa ninyo? Bakit n'yo tinatapon ang mga gamit namin?" seryosong tanong ko. Inagaw ko iyong bag na may mga laman na damit ko.
"Ineng, nililinis lang namin ang kalat sa ilalim ng tulay. Bawal tirahan ang ilalim ng tulay. Mukhang hindi n'yo iyon alam."
"Gago ba kayo? Ibalik n'yo ang mga gamit namin," sigaw ko pero hindi sila nakinig. Matagal na kami rito pero ngayon lang nangyari ito. Malakas ang kutob ko na may kinalaman ang kinginang nanay ko.
Iginala ko ang tingin ko. Nakita ko hindi kalayuan ang sasakyan nito kaya naman sinugod ko ito. Pero hinarang ako ng mga bodyguard nito.
"Lumabas ka d'yan! Tangina ka talaga," sigaw ko. Wala akong pakialam kung masabihan akong walang respeto. Wala talaga lalo na sa taong ito. Hindi niya deserve irespeto lalo na ng taong iniwan niya at pinaniwala sa mga pekeng pangako.
Bumukas ang bintana at sumilip ang ginang.
"Sakay," utos nito sa akin. Pero hindi ko iyon sinunod. Tiyak na ipipilit niya ang gusto niya at hindi ko hahayaang mangyari iyon. "Isakay n'yo," utos nito sa mga bodyguard niya. Hinawakan nila ako. Akala ata porke babae ako ay hindi ako papalag. Agad kong tinuhod ang mga ito. Saka ako kumaripas ng takbo. Tangina pala nila eh. Kukunin ako para gamitin sa plano niya? Ulol!
Humabol sila pero dahil mas kabisado ko ang lansangan ay agad din akong nawala sa paningin nila. Si Dagul at Mak lang ang nakahanap sa akin.
Hingal na hingal pa ang mga ito.
"Kayne, anong gagawin natin? Wala na iyong mga gamit natin sa ilalim ng tulay. Ang narinig ko pa kanina ay pababantayan na raw iyon ng barangay para wala ng titira roon. Saan na tayo n'yan?" halatang nabahala ang mga ito.
"Sanay tayo sa kalsada. Hindi iyon kawalan sa atin. Marami pang tulay d'yan. Pero ang isa sa tiyak ko na hindi ako pwedeng mapirmi sa isang lugar. Hindi titigil ang kingina na iyon para makuha niya ang gusto niya."
Tahimik lang ang mga ito. Ako naman ay nahulog sa malalim na pag-iisip.
Iniisip ko kung ano ang dapat kong gawin.
"Huwag kang mag-alala, Kayne. Proprotektahan ka namin. Hindi kami papayag na makuha ka ng nanay mo at ipakasal sa iba." Alam kong maaasahan ko ang mga ito. Never pa akong binigo ng mga lalaking ito.
Naghanap kami ng pwedeng tulugan pansamantala. Pero dahil Wala ay bagsak kami sa palengke. Kanya-kanya latag ng karton. Nairaos namin ang gabing iyon. Pero kinabukasan ay nakita ni Dagul na nag-iikot ang aking ina sa palengke. Hinahanap ako.
Kaya kumaripas kami nang takbo. Hindi talaga ako sasama sa mga ito. Kaya kahit magkandadapa katatakbo ay hindi kami huminto.
"Ililigaw namin," ani ni Dagul. "Tumakbo ka lang at huwag hihinto, Kayne," sinunod ko sila. Tumakbo ako nang tumakbo. Pero sa katatakbo ko ay aksidente akong bumungo sa isang lalaki na may buhat na batang lalaki.
"Bulag ka ba?" asik ko kahit alam kong kasalanan ko naman talaga. "Ayusin mo ang paglalakad mo. Huwag kang paharang-harang," asik ko rito. Lumakad pabalik ang kasama nito na sinulyapan ko naman. Napaawang ang labi ng babae habang nakatitig sa akin. Sa totoo lang ay nagulat din ako sa mukha nito. Pero nang naalala kong hinahabol nga pala ako ay agad na akong tumakbo palayo.
Saka lang ako huminto no'ng pagod na pagod na ako. Pero sana'y hindi na lang ako huminto at nagpatuloy pa sana sa pagtakbo. Paano ba naman kasi bigla na lang may humintong van sa tapat ko at pwersahan akong isinakay roon.
Pagod na pagod ako sa pagtakbo kaya naman wala na akong lakas na pumalag no'ng hawakan na nila ako at isakay.
Pero iba ang suot nilang uniform. Kung puti iyong mga humahabol sa akin ay black naman ang sa mga ito.
"Putangina! Sino ba kayo?" hiyaw ko sa kanila. Sinubukan kong manipa pero mabilis ang kilos nito. Napigilan nila ako sa pagwawala ko. "Kingina n'yo. Tauhan din ba kayo ng nanay ko? Pakawalan n'yo nga ako! Hindi n'yo ba alam na bawal sa batas ang ginagawa n'yo. Kidnaping ito. Ipakukulong ko kayo," hiyaw ko sa kanila. Mabilis na tumatakbo ang van at kahit gaano pa ako kaingay ay tiyak walang nakakarinig sa mga sigaw ko. "Kidnapping ito... under article 267 of the revised penal code!" hiyaw ko.
"Aba! May pabatas-batas ka pang nalalaman ha." Nagtawanan ang mga ito. "Walang magagawa iyang batas na alam mo sa boss naming galit na galit sa 'yo. Grabe kang babae ka. Demonyo kang kingina ka."
"Tangina n'yo! Pakawalan n'yo nga ako," muli akong nagpumiglas pero tinutukan na ako ng baril. Hindi na ako nakapagsalita dahil natakot ako.
"Ang hinhin mo dati pero ngayon ang lakas mong magmura. Lagot ka ngayon kay boss. Sa laki ng galit no'n sa 'yo ay baka mapatay ka na no'n." Hindi sila maintindihan. Para bang kilalang-kilala nila ako kung umakto sila.
"Sinong boss ninyo? Hindi ko kilala ang boss ninyo---" Totoo naman. Hindi ko talaga kilala ang boss nila. Sino ba ang kingina nilang boss?
"Hindi mo kilala? Asawa mo tapos hindi mo kilala?" nagtawanan ang mga ito.
Asawa? Puta! Kailan pa ako nag-asawa? Nagka-amnesia ba ako para hindi ko maalalang may asawa ako? Mga ulol! Tandang-tanda ko ang mga kaganapan sa buhay ko. Never pa akong mag-asawa.
"Patulugin n'yo na iyan. Baka gumawa pa ng kalokohan," at bago pa ako makatutol ay may idinikit na sa ilong ko na masangsang na chemical na nakalagay sa panyo.
Agad akong nanghina. Unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata.
Ano bang nangyayari sa buhay ko? Pinapahabol ng ina sa mga tauhan, ngayon naman ay nakidnap at asawa raw ng boss nila.
Kingina. Sino ba ang boss nila? Bago ko pa maitanong ay tuluyan na akong nawalan ng malay.