Chapter Five
Nagising ako na nakahiga sa isang kama sa isang magarbong silid. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong karangyaan.
Agad akong bumaba ng kama dahil naalala ko na marumi ang suot ko. Saka ako lumakad patungo sa pinto ngunit sarado iyon. Sinubukan kong pihitin ang doorknob ng paulit-ulit pero ayaw bumukas.
Sinubukan ko ring sipain ang pinto para kung may dumaan man sa labas ay marinig ako. Nang huminto ako ay saka lang iyon bumukas at bumungad ang mga armadong kalalakihan. May lumapit sa akin na isa at hinawakan ako sa braso. Agad naman akong nagpumiglas pero mas malakas ito kumpara sa akin.
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako," sa tuwing pumapalag ako ay mas lalo lang akong nasasaktan. Kaya huminto ako sa pagpiglas. Bumaba kami ng hagdan. Saka nila ako dinala sa sala kung saan ay may isang lalaking nakaupo. Nang dalhin ako sa harap nito ay saka ko lang nakilala ang lalaki.
Siya iyong nakabungguan ko kanina sa harap ng isang mamahaling restaurant. Takang tinitigan ko ito.
"Ikaw ba iyong boss nila?" hindi ko napigilang itanong iyon. Tinitigan lang akong lalaki na mahawak na kopita ng alak. "Tinatanong kita. Sumagot ka. Ang tatanga ng mga tauhan. Mga inutil. Inutusan mong mangidnap itong mga ito? Mga bobo! Mali ang nakuha nila." Inis na ani ko sa lalaki na titig na titig sa akin. "Ibalik n'yo ako roon sa pinagkuhanan ninyo sa akin. Hindi ko alam ang lugar na ito. Baka maligaw pa ako." Tumayo ang lalaki. Madilim ang expression ng mukha nito. Humakbang ito palapit sa akin at bigla na lang akong sinakal. Pero mabuti na lang at nabayagan ko. Tangina kasi. Bakit nananakal?
Napaluhod ang lalaki. Ang mga tauhan ay agad namang kumilos at hinawakan ako.
"Ano ba? Bitawan n'yo nga ako!" asik ko. Kaso bigla akong tinutukan ng baril. Sa takot ko'y agad akong nagtaas ng mga kamay. "Chill! Kingina n'yo. Porke may baril kayo ay panay kayo tutok. Kung mabaril n'yo ako ay mumultuhin ko agad kayo," gigil na asik ko. Ang boss nila na nabayagan ay tumayo at mas lalong sumama ang expression ng mukha.
Inangatan ko ito ng kilay.
"Ano ba kasing kailangan n'yo sa akin? Kidnap for ransom ba ito? Mga tanga! Mas mukha pa kayong may pera kaysa sa akin."
"Stop the act, Avione. Sa laki ng kasalanan mo sa akin ay hindi ko iyon basta mapapalampas na lang. I'm going to kill you... sa pinakamahirap na paraan."
"Ulol! Sino si Avione?" ani ko at natawa pa. Lumakad ako patungo sa couch. Alangan naman kasing pumalag ako tapos ilang baril iyong nakatutok sa akin 'di ba?
Ang siga pa ng pagkakaupo ko. Wala na akong pakialam kung marusing ako tapos nakaupo sa sosyal na upuang ito.
"Sa tingin mo ba'y gagana sa akin iyang arte mo na hindi ako kilala?" masungit na tanong ng lalaki. Salubong na salubong ang kilay nito.
Dinampot nito ang baso na may lamang juice. Lumapit sa akin. Napangiti pa ako dahil bigla akong nakaramdam ng uhaw. Makakainom na rin. Sa wakas. Pero hindi iyon ang plano ng lalaki. Binuhusan niya ako ng juice.
Putangina. Ganito ba ang way ng mga mayayaman sa pag-inom nila ng juice? Ang lamig-lamig pa naman no'n. Dinilaan ko tuloy ang gilid ng labi ko para lang malasahan kung anong flavor iyon.
Masarap. Orange juice. Hindi katulad doon sa orange juice sa palengke na lasang asukal at may halong pait dahil sa sama ng loob ng tindera.
"Parang gago ka naman, boss. Kinidnap n'yo na nga ako tapos ganyan ka pa magpainom ng juice sa bihag n'yo? Bakit n'yo ba ako ginaganito? Mukha naman kayong mayaman... mayaman talaga. Nagre-recruit pa ba kayo? Pwede ba akong mag-apply na kidnapper din? Sali ako!" pangungulit ko pa rito habang pinupunasan ang mukha gamit ang maruming shirt na suot ko.
Ngunit nais ang lalaki. Bigla na lang nitong ibinato ang baso kaya nabasag iyon.
Sunod ay muli siyang lumapit at hinawakan ang panga ko. Masakit iyon dahil sa higpit no'n.
"Aray ko!" reklamo ko. Hinawakan ko ang kamay nito para pigilan ito pero malakas ang lalaki. "Aray ko sabi! Baliw ka ba? Bakit ba? Ano bang ginawa kong masama sa 'yo?" gusto ko mang bayagan ito muli pero hindi ko magawa dahil sa pwesto ko.
Kung hindi naman ako kikilos ay mababasag ang panga ko. Kaya naman inabot ko na lang ang itlog nito't piniga. Nasaktan na naman ang lalaki. Nabitiwan niya ako at mas lalong nanlisik ang mata sa akin.
"Avione!" hiyaw nito. Mukha itong lion na galit na galit.
"Tangina mo naman. Sinabi ko na sa 'yo na hindi ako sa Avione. Kayne Ardee ang pangalan ko. Ulol ka ba? Gusto mo yatang tuluyang mabasagan ng itlog eh. Paulit-ulit kang kingina ka. Sinabi ng hindi ako si Avione," nakuha na nito ang pikon ko.
"Tangina!" malutong ding mura nito. Kung titigan ako ay para bang sobrang laki ng kasalanan ko sa kanya. Inaano ba siya? Bigla na lang akong pinakidnap.
"Ikaw kasi! Bakit mo ba ako pinakidnap? Dahil ba nabangga kita roon sa harap ng restaurant? Dahil lang doon? Bobo ka naman masyado. Kung dahil lang doon... Eh 'di sorry. Para ka namang batang uhugin. Alis na ako... Ay! Ipahatid mo ako roon sa---" pare-parehong nagkasa ng baril ang mga tauhan nito at nakatutok ang lahat ng iyon sa akin.
"Avione, sobrang tigas ng mukha mo. Sa dami ng kasalanan mo sa akin at sa pamilya ko ay magmaang-maangan ka na lang? Pagkatapos ng ginawa mo?" hiyaw nito. Pulang-pula na ang mukha ng lalaki. Pero hindi naman na ito lumapit. Natakot na yata dahil baka mapiga ko na naman ang itlog niya.
"Hindi nga ako si Avione! Paulit-ulit kang tangina ka. Bingi ka ba? Hindi ka ba makaintindi?" sigaw ko rin dito. Napakurap-kurap ito na para bang hindi ito sanay na nasisigawan. "Hindi ako si Avione. Ulitin ko pa ba ulit? Uuwi na ako. Ihatid n'yo ako roon sa pinagkuhanan n'yo sa akin," tumayo na ako pero naalala ko ang mga baril na nakatutok sa akin. Muli akong bumalik sa pagkakaupo ko.
Sakto't nag-ring ang phone nito. Dali-dali nitong dinampot iyon at sinagot ang tawag. Pagkatapos niyang nakipag-usap ay
"Ibalik ninyo sa silid ang babaeng iyan. Huwag na huwag n'yong palalabasin."
"Ano? Hoy! Bakit ako ibabalik sa silid? Hindi! Uuwi na ako," binalak kong tumakbo kahit alam kong may mga baril na nakatutok sa akin pero nakuha ako nitong abutin. Mariing hinawakan at halos kaladkarin patungo sa hagdan.
"Boss, kami na," prisinta ng mga tauhan nito. Hindi naman nakinig ang lalaki. Nadala niya ako sa second floor at dumeretso siya sa silid na pinanggalingan ko kanina.
Ipinasok niya ako roon at itinulak sa kama.
"Babalikan kita, Avione. Hindi ka lalabas. Mananatili ka rito. Dito ka na mamamatay," sabay talikod nito. Ang bulok kong sapatos ay agad kong hinubad at malakas ko iyong ibinato. Sapol sa ulo.
Napasipol pa ako dahil proud na proud ako sa sarili ko. Sapul ang target.
"Putangina!" malutong na naman nitong mura saka tumingin sa akin. Nanlilisik ang tingin nito. Taray! Galit na galit. Hindi ba dapat mas magalit ako kasi ako iyong kinidnap nila. Mga yawa.
Maling tao naman ang nakuha ng mga tauhan niya.
Tuluyang umalis ang lalaki. Nang sumara ang pinto ay problemado akong napaupo.
"Hindi ba uso sa mga mayayaman iyong magpa-background check? Mga inutil naman pala sila. Mas magaling pang mangidnap iyong mga kakilala ko sa lansangan. Tama ang target.
"Avione raw? Mga bobo!" pikang-pika na bulalas ko. Tiyak kong nag-aalala na si Dagul at Mak sa biglang pagkawala ko.
Nang naalala ko ang pera sa bulsa ko ay agad kong kinapa. Maluwag akong napahinga nang nakapa ko pa roon ang perang kinita namin sa gold bracelet ni mama.
Gumala ang tingin ko sa paligid. Nang napansin ko ang isang pinto ay agad akong lumapit doon at siniyasat kung ano iyon.
Banyo. Sosyal na banyo.
Paldo kami nila Mak at Dagul kung nanakawan namin ang lugar na ito.
Pumasok ako. Siniyasat ang mga produktong naroon pati na rin ang mga gamit.
May mga sabon, lotion, shampoo, at marami pang iba na hindi pa nabubuksan at nagagamit.
Tiyak na mabibili agad sa palengke ang mga iyon lalo't mukhang legit ang mga iyon. Sunod kong nilapitan ay ang gripo. Walang pihitan iyon.
"Kingina! Paano ito gamitin? Walang ganito sa palengke," napakamot sa ulong ani ko saka iwinasiwas sa tapat ng grupo ang kamay ko. Biglang may lumabas na tubig. "Napakaangas mo, 'tol!" bulalas ko. Naghugas ako ng kamay. Sunod ay naghilamos na rin.
Malibag ang mukha ko. Kaya nakialam na ako sa mga sabong naroon. Binuksan ko at ginamit. "Tangina! First time kong makagamit ng ganitong sabon. Parang gatas siguro ang balat ko pagkatapos gamitin ito," kung ikwekwento ko kina Mak at Dagul ang experience kong ito ay baka hindi maniwala ang mga iyon.
Pati toothbrush ay pinakialaman ko na rin. Nagsipilyo ako.
Kaso nawala nga ang dumi sa mukha ko, mabango na nga ang bunganga ko. Kaso iyong katawan ko? Tengene! Kailangan kong maligo.
Lumabas ako ng banyo at pumasok sa isang parte ng silid.
Bumungad sa akin ang napakaraming damit na maayos na nakapwesto sa mga lagayan. Ito ba iyong walk-in closet? Yawa! Napakaangas.
Naghanap ako ng pwede kong bihisan. Siguro naman ay pwede kong galawin 'di ba? Pero kung bawal... anong pake ko? Nakahanap ako ng pares ng pantulog. Mukhang komportable kasi iyong suotin kaya iyon na lang. Sunod ay naghanap ako ng panty at bra. Meron naman kasi kaya kumuha na talaga ako bago ako bumalik sa banyo.
Ipinatong ko muna sa counter iyon.
Saka ako ngingiti-ngiting nagbukas ng shower.
"Napakaangas talaga," galak na ani ko dahil sa mga bagong experience ko ngayon. Napatitig ako sa pabilog na kulay ginto. Doon lumalabas ang tubig mula sa shower. "Gold kaya iyan? Malalaman kaya agad nila kung nakawin ko?" natawa ako. Huwag muna. Saka na kapag wala ng mga baril na nakatutok sa akin.