MHCH 2

1061 Words
Kendrid Cole Villaluz-Pendleton   Nang makarating ako sa tapat nang school namin which is the most prestigious of all prestigious school in the Philippines the Pendleton University yes you read it right pamilya nina Ziro ang may ari nang napakalaki at sikat na University namin.   Kaya lang naman ako naipakasal kay Ziro dahil napakalapit na magkakaibigan nang mga magulang namin at mahal na mahal nila ang isat isa kaya naman gustong gusto ako nang mommy at daddy niya para sa kanya.   Alam ko na noon ko pa gusto si Ziro pero hindi ako yung tipong magpapapansin sa kanya para lamang  mapansin niya alam ko rin ang ugali niya pero hindi ko alam na ganito pala kalala iyon.   Nang makarating ako sa room namin ay kaagad akong tinawag nang isa sa dalawa kong kaibigan dito sa school "Beks good morning!" maligalig at masiyahing pagbati saakin ni Dessie saka tumakbo papunta saakin at yumakap.   Napatawa na lamang ako dahil sa kakulitan ni Dessie napatingin naman ako sa katabi niyang isa pa naming kaibigan pero lalaki siya hindi rin siya palapansin at swerte ka kong papansinin ka nya "Good morning Cole" nakita ko na naman ang napakagwapong ngiti ni Dylan but don't get me wrong okay kaibigan ko lamang siya and yes he used to called me in my second name para daw maiba.   "Morning din sainyong dalawa" saad ko sa kanila sabay ngiti well alam rin nila ang tungkol saamin ni Ziro sinabi ko iyon sa kanila kasi I trust them naman at alam kong hindi nila ipagkakalat iyon.   Naupo na kami sa upuan namin nasa kanan ko si Dylan katabi niya ang bintana habang nasa kaliwa ko naman si Dessie sobrang madaldal itong kaibigan kong si Dessie at kong ano naman ang kinaingay ni Dessie ay sya namang kinatahimik ni Dylan.   "Alam mo beks nakita ko na naman kanina yang asawa mong hambog na kasama yung malanding si Vicky kapit na kapit si gaga sa braso ng asawa mo na parang tuko" saad ni Dessie saakin habang inis na inis ang tono nang pagkakasabi alam rin kasi nila ang nangyayare saamin ni Ziro at alam kong nag aalala sila saakin.   "Wala namang bago dun Des" malungkot kong saad sa kanya at kita ko naman ang awa sa mga mata nito habang nakatitig saakin kaya naman niyakap na lamang niya ako habang ako ay pilit kong iniinda ang sakit sa puso ko dahil alam ko naman na araw araw ay may ibang babaeng kasama si Ziro wala nang bago don alam kong ako parin ang sinisisi niya kong bakit nawala sa kanya ang babaeng mahal niya dahil sa pagpapakasal namin.   Wala rin naman kasi akong magagawa nang mga panahon na iyon dahil hindi papayag si tita na hindi kami maikasal dahil iyon ang ipinangako nila pangako nila noong mga panahong umuusbong pa lamang ang kanilang pagkakaibigan.   Mabait ang mga magulang ni Ziro sa pamilya namin hindi nila kami tinuturing na iba sa kanila kahit na mahirap lamang kami at isa pa kong bakit ako pumayag sa kasal dahil sinabi ni tita na sila na ang bahala sa pag aaral ko hanggang sa makatapos ako nang kolehiyo hindi rin kasi lingid sa kaalaman ko na nahihirapan na si papa na igapang ang pag aaral ko.   "Bakit hindi mo na lamang kasi hiwalayan" nagulat kami nang magsalita si Dylan kaya napatingin kami ni Des sa kanya at kita namin ang seryoso niyang tingin saakin.   Hindi ako naksagot sa sinabi niya kaya muli siyang nagsalita "Bakit mo pa tinitiis ang ginagawa sayo nang gago at walang kwenta mong asawa he don't deserve you Cole marami pa ang mas deserve ka malay mo nasa paligid mo lamang pala ang taong iyon or maybe katabi mo lamang" doon sa sinabi niya ay mas lalo akong hindi nakakibo.   Tama naman kasi siya mas mabuting iwan na lamang si Ziro pero what can I do if my heart is still holding on to him still holding on for my love to him even though my mind and heart are totally broken every single day pero anong magagawa ko kong talagang mahal na mahal ko lamang siya wala akong lakas nang loob para hiwalayan ang taong mahal na mahal ko kahit oras oras at araw araw iyang pinaparamdam saakin na wala akong puwang sa puso nya.   Hindi ko namalayang lumuha na pala ako naramdaman ko na lamang ang pagpunas ni Dylan nang thumb finger niya sa tumulo kong luha.   Mabuti na lamang at konti pa lamang ang mga classmates namin na nandito sa room ramdam ko rin ang pagyakap saakin ni Des sa kaliwa kong braso habang sinasabi niyang kakayanin ko ang lahat nang ito.   Napatingin naman ako kay Dylan na matamang nakatitig saakin habang parang mayroong gustong ipahiwatig ang mga tingin niyang iyon.   "At kong sakali mang hindi mo na kakayanin pa ang ginagawa sayo nang walang bayag mong asawa ay tandaan mo laging andito lamang ako andito lamang kami ni Des mga kaibigan mo kami kaya dadamayan ka namin at higit sa lahat mahal na mahal kita" saad niya pero bahagya akong napakunot nang noo nang humina ang pagakakasabi niya sa may bandang dulo pero hindi ko na lamang iyon pinansin.   "Oo nga beks andito lamang kami wag kang mag alala pasasaan bat magiging maligaya ka rin" masyado akong natotouch sa mga sinasabi nila lalo na si Dylan kasi this is his first time na mag advice saakin and at the same time ay mahaba ang mga sinabi niya.   "Salamat sainyo ha masaya ako dahil may mga kaibigan akong gaya nyo. Kahit papaano ay maswerte ako dahil nandyan kayong mga kaibigan ko" madamdaming saad ko habang palipat lipat ang tingin ko sa kanila.   Pero pinutol na ni Des ang pag eemote namin"Hep hep hep tama na nga tong dramang ito beks masyado nang madrama ang buhay mo ang mabuti pa ay dapat wag mo na munang isipin ang asawa mong ulupong kahit man lang dito sa school para kahit papaano ay maging maluwag naman ang butas ay este buhay mo" maloko niyang saad kaya napatawa na lamang ako habang si Dylan ay balik na sa pagiging tahimik niya pero kita ko na nakatingin siya sa unahan habang may maliit na ngiti sa labi niya.   Naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kanya kaya tumingin siya saakin at doon pumorma ang isang maliit ngunit sapat na para makita ko at maging si Des na ngiti ni Dylan kaya nagkatinginan kami ni Des dahil sa nakita naming hindi madalas mangyare sabay sabing.   "Shet ngumiti si Dylan!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD