MHCH 3

1737 Words
Kendrid Cole VillaLuz-Pendleton   Pagkatapos nang klase namin ay nagkayayaan kaming mag mall muna nina Dessie at Dylan pansin ko rin ang kanina pa patingin tingin ni Dylan saakin kaya nginitian ko na lamang ito at akala ko ay ako lamang ang nakapansin pero kinulbit ako ni Dessie habang naglakakad kami papuntang parking lot.   "Beks kanina pa patingin tingin yang si Dylan sayo ayyyyiiieeee baka naman gusto ka nyang si Dylan beks" pangangantyaw ni Des saakin at tiningnan namin si Dylan at sakto namang nakstingin rin siya saakin pero agad ring binawi ang tingin nang makitang nakatingin rin kami sa kanya.   "Sabi ko na sayo eh grabe ka beks haba talaga nang hair mo" saad niya habang sinusundot sundot pa ako sa tagiliran lakas talaga mang asar nang babaeng ito mabuti na lamang at hindi naririnig ni Dylan ang pinagsasabi nang loka lokang to kaya sinaway ko siya "ano ba Des masyado ka namang tamang hinala wag mo ngang bigyan nang kahulugan ang pagtingin tingin ni Dylan dito malay mo ay may iba pa pala siyang tinitingnan" alam kong medyo out of way yung sinabi ko dahil nang tiningnan namin ang likod namin ay wala namang nakasunod saamin.   Kaya napangisi na lamang si Des saakin habang ako ay inirapan ko siya dahil lakas niyang mang asar imposible naman atang magkagusto itong si Dylan saakin besides mas straight pa sya sa flag pole at talaga namang habulin kaya impossible.   Hindi ko na pinansin ang mga pang aasar ni Des dahil walang katotohanan ang pinagsasabi niya besides kahit naman walang pagmamahalang nagaganap saamin ni Ziro ay may asawa parin akong tao kaya hindi ko pwedeng patulan ang mga pinagsasabi ni Des totoo man yun o hindi.   Nang makarating kami sa parking lot ay nabigla ako nang bubuksan ko na sana ang pintuan na katabi nang driver's seat dahil napagkasunduan namin ni Des o mas tamang saibihing siya mismo ang nagtulak saakin para doon umupo ayaw ko namang magmukhang driver namin si Dylan kaya wala an akong nagawa kundi pumayag pero hindi ko pa man nabubuksan ang pintuan nang maunahan ako ni Dylan at walang kagatol gatol niya itong binuksan at maging si Des ay nagulat rin pero kaagad na napalitan nang ngisi ang pagkagulat niya habang nakatingin saamin "hindi mo naman kailangang pagbuksan pa ako nang pintuan kaya ko naman eh" saad ko sa kanya sa magandang paraan para hindi siya maoffend "ano namang masama kong pagbubuksan kita nang pintuan its not a big deal to argue with" dahil sa sinabi niya ay hindi na lamang ako nakipagtalo at hindi na rin naman nagsalita si Dylan kaya pumasok na lamang ako at pumasok na rin siya sa driver's seat.   Nang makarating kami sa Mall ay bumili lamang kami nang mga gagamitin sa school at kumain rin kami sa fastfood chain at mahigit ang isang oras ay nag aya na akong umuwi dahil baka nakauwi na iyon si Ziro saamin at hindi pa ako nakakapagluto baka uminit na naman ang ulo non.   Nagpahatid na ako sa kanila pauwi at since ako ang unang bababa ay ako ang unang hinatid nila.   Nang makarating kami sa bahay at nagpaalam na ako sa kanila na papasok na ako dahil kinakabahan ako kasi baka andoon na si Ziro pero nagulat ako nang hawakan ni Dylan ang kamay ko kaya napatingin rin ako sa kanya.   "B-bakit Dylan may kailangan ka ba? Kailangan ko na kasing makapasok sa loob eh baka nandoon na nag aantay si Ziro" tanong ko sa kanya pero nanatiling wala itong kibo.   Pinilit kong alisin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero hindi ko ito maalis kaya pinakiusapan ko na siya  "Dylan ano ba may sasabihin ka ba? Sabihin mo na kasi baka nasa loob na si Ziro at baka magalit iyon kapag nalamang wala pa ako at hindi ko pa siya naipagluluto" saad ko sa kanya at kita ko naman ang pagtangis nang mga bagang niya.   Pero pinakawalan na niya ang kamay ko sabay sabing "I will get you out of this Cole he don't deserve you" saad niya na kinakunot nang noo ko.   Ano ba ang nangyayare kay Dylan kasi pansin ko this days ay palagi na lamang siyang nagbibitaw nang mga salitang nakakataka.   At pagkasabi niya non ay pumasok na ulit siya sa loob nang sasakyan at pinaandar na ito leaving me hanging on what he just said earlier pero nang maalala ko si Ziro ay dali dali akong pumasok sa bahay pero isang matalim na titig ang sumalubong saakin habang nakatayo mula sa sofa.   Hindi ako makapagsalita dahil sa kaba at dahil sa takot sa kanya he never hurt me physically nor laid hands on me pero nakakatakot siya sa mga oras na to dahil sa mabalasik niyang anyo.   Nakita kong humakbang ito papalapit saakin kita ko rin na nakapalit na ito nang pangbahay na damit kaya nagtaka naman ako kasi usually ay magpapalit ito nang damit pero pang alis dahil lagi lagi silang pumupunta sa bar nang mga kabarkada niya pero ngayon ay nakapangbahay lamang siya.   Hindi ako makapagsalita hanggang sa makalapit na siya saakin at kitang kita ko nang malapitan ang nanlilisik niyang mga mata.   "Inuna mo pa talaga ang paglalandi mong putang inang bakla ka kaysa umuwi dito sa bahay at ipagluto ako ng makakain!" singhal niya saakin habang hawak hawak niya nang mariin ang braso ko kaya nahulog ang bag ko at nanginginig ako sa takot dahil kitang kita ko ang galit sa mukha niya at gigil na gigil ito sa pagkakahawak saakin.   "B-bumili l-lamang k-kami nang mga kakailanganin sa s-school p-project namin" nagkakanda utal utal kong saad sa kanya at tila kinakapos na ako nang hangin dahil sa kabang nararamdaman ko.   "Wag mo nga akong pinagloloko bakla alam kong una palang nating magkita noon ay alam ko nang isa kang putang inang bakla kaya hinding hindi ko ibibigay ang respeto sayo na gusto mo magtiis ka bakla dahil sayo ay nawala saakin ang babaeng mahal ko dahil sa pinilit mo ang mga magulang ko na ipakasal ako sa putang inang kagaya mo nakakadiri ka puta ka! Malandi ka!" habang sinasabi niya ang mga katagang iyon saakin ay kitang kita ko ang galit sa mga mata niya at pinapamukha niya saakin a dapat lang na hindi ako galangin.   Masasakit at tagos sa buto ang mga sinsabi niya saakin dahil mula sa mahal kong tao iyon nanggaling at alam ko naman na yun talaga ang tingin niya saakin kaya kahit kailan ay hindi niya ako magagawang mahalin at ako rin ang dahilan kong bakit siya iniwan nang taong mahal niya.   Pero sapat na ba lahat iyon para ganituhin niya ako sapat na ba iyon para ituring niya akong puta ganoon ba ako kababa sa paningin niya hindi ko naman ginustong ipakasal siya saakin at masira ko ang buhay niya.   Hindi na ako nakapagsalita pa at tumangis na lamang.   Binitawan niya nang pabalibag ang braso ko kaya napaupo na lamang ako sa sahig habang lumuluha.   "Wag mo akong iyakan dahil hindi ka nakakaawa ipagluto mo ako at kapag nakita kong wala ka pang nalulutong pagkain ay talagang malilintikan kana saakin" saad niya sabay alis at umakyat papuntang kwarto niya.   Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko saka muling tumayo st pinulot ang bag ko at umakyat papuntang kwarto ko at nang makarating ako sa kwarto ko ay doon ko na muling pinakawalan ang mga luha ko at inubos ko ito hanggang sa mamaga ang mga mata ko.   Pagkatapos kong ilabas lahat nang luha ko ay pinunasan ko na ito at bumaba na para magluto.   Hindi ko alam kong hanggang kailan ko pa kakayanin to mahigit isang taon na rin kaming kasal pero ni isang pagkakataon ay wala man lamang kaming magandang alaala sa isat isa wala kaming magandang napag usapan sa loob nang isang taon para lamang akong hangin sa kanya na nilalagpas lagpasan niya at higit sa lahat mahigit isang taon na niya ring pinapatay ang puso ko sa tuwing dadala siya nang babae nya dito sa bahay at m************k sa mismong harapan ko para ipamukha saakin kong gaano niya ako kinasusuklaman.   Napapagod na rin ako hindi sa mga ginagawa ko sa loob nang bahay at pag aasikaso sa kanya kundi sa mga pananakit niya mostly emotionally lagi niyang pinaparamdam niya saakin na isa akong maruming tao para sa kanya na hinding hindi niya ako tatanggapin sa buhay nya.   Ginagawa ko ang lahat para atleast man lamang ay maging maayos kaming dalawa kahit hindi na niya ako mahalin basta maayos kami kahit hindi niya ako kayang mahalin ayos lang basta kahit papaano ay may halaga man lang ako sa kanya kahit bilang tao man lamang.   Pagkatapos kong magluto ay inihanda ko na ang pagkain niya sa mesa dahil alam kong any minute ay bababa na sya.   Pagkatapos kong ihain ang pagkain nya ay dumiretso na ako sa kwarto ko pero hindi pa man ako nakakapasok sa kwarto ko nang marinig ko ang boses niya mula sa labas nang kwarto niya at labis na kinagulat ko nang banggitin niya ang isang pangalan na akala ko ay nawala na sa buhay nya.   "Yes Lorraine I will be there tomorrow. I hope we can fix this up again. I just badly want us back together please" narinig kong saad nito at tila ba raang raang karayom ang tumusok sa puso ko at mas lalo pa akong nasaktan nang marinig kong sunod na sinabi niya.   "Don't mind that motherfucker gay he's just nothing to me okay wala siyang magagawa if ever na makipagbalikan ako sayo besides sa papel lang naman kami mag asawa ang baklang iyon always remember ikaw lang ang mahal ko okay let's settle all of this tomorrow" saad niya at ibinaba na ang tawag habang ako ay dali daling pumasok sa kwarto ko habang patuloy na dumadaloy sa pisngi ko ang walang kapaguran kong mga luha.   Pinagpapalo ko nang mahina ang kaliwang dibdib ko na para bang mababawasan nito ang sakit na nararamdaman ko ngayon.   Akala ko ay tapos na ang pagluha ko kanina pero meron pa palang ilalabas and this time ay mas natatakot na ako kasi andyan na ulit ang totoong mahal niya at ang babaeng dapat sana ay ang papakasalan niya at kong hindi lamang saakin ay sana nakapagpropose na siya rito.   Patuloy lamang ang paghikbi ko at pagluha habang paulit ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi niya kanina.   "How can I escape in this pain?" yan lamang ang tangi kong tinatanong sa sarili ko pero wala akong makuhang sagot.   "Bakit ganito ko kamahal si Ziro na kahit wala nang katiting na natira para sa sarili ko hindi na ako makabangon pa paano na ako?" humahagulhol kong saad.   "Paano naman ako?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD