29 Hindi niya alam na darating ang punto sa buhay niya na susubukin ng Diyos ang lakas at tatag niya. Hindi niya inaasahan na malaking pagsubok ang kaniyang haharapin. Maayos naman ang kalusugan niya. Kahit kailan ay hindi niya naisip na magkakaroon siya ng sakit na malubha. Nagising na lang siya, isang araw na malalaman pala niya na may sakit siya. Hindi lang simpleng sakit, kundi isang sakit na walang kasiguraduhan kung gagaling pa ba siya. Ang mga senyales na kaniyang nararamdaman ay hindi niya napagtuunan ng pansin. Pagkakaroon ng mga pasa sa katawan. Lagnat at panginginig. Sobrang pagkapagod at panghihina. Biglaan na pagbagsak ng timbang ng katawan. Swollen lymph nodes. Pagdurugo ng ilong. Pagkakaroon ng mga pula sa katawan. Ang akala niya ay simpleng lagnat lang ang kaniya

