Naghanda silang dalawa ni Renzy para sa dinner na hinanda ni Mrs Monteclor. Sinubukan niyang magsuot ng magara na dress upang kahit papaano ay magustuhan nito ang kaniyang suot. Gusto niyang maging presentable sa harap nito. Naghintay sila sa restaurant nang matagal na halos inabot na ng isang oras. Napatingin siya kay Renzy noong bumalik ito sa kanilang lamesa. Nakita niya ang malungkot nitong ekspresyon habang umuupo ito sa tabi niya. Umiling ito at inilagay ang cellphone sa bulsa nito. Tumingin ito sa kaniya bago nito hinawakan ang kamay niya. "I'm sorry, Myla." Pinisil nito nang marahan ang kaniyang kamay. "Bakit?" tanong niya. Kumunot ang kaniyang noo. May kutob na siya kung bakit ito humingi ng sorry sa kaniya. Gusto niya lang talagang malaman ng diretso ang rason. "Hindi kas

