Isang linggo ang lumipas ngunit hinding hindi niya pa rin makalimutan ang sinabi ni Mrs. Monteclor sa kaniya. Ang bawat mga salita na binitawan nito ay pilit tumatatak sa kaniyang isipan. Kahit na anong pilit niyang limutin ang mga sinabi nito, bumabalik at bumabalik pa rin ito sa kaniyang isip. Pagmamaliit, panghuhusga, at pagkainis ang ipinakita nito sa kaniya. Nalulungkot siya. Hinding hindi niya ito itatanggi. Sa unang pagkakataon ay naranasan niya na para siyang isang nakakadiri na tao na ayaw nitong makilala o makasama nang matagal. Itinatak na nito sa isip niya na ayaw siya nito para sa anak nito. "Nakita mo ba 'yung isang pabo kanina? Sumusunod siya sa'yo," sabi ni Renzy kaya napalingon siya. Nakita niya ang masayang mukha nito habang inaayos ang hibla ng kaniyang buhok na tum

