Tatlong araw ang lumipas. Sa mga araw na nagdaan ay hindi na niya nakita si Renzy. Hindi niya nakakasalubong ang lalaki sa labas. Takang taka siya kung bakit hindi ito nagpapakita sa kaniya. Iniiwasan ba siya nito? Ipinilig niya ang kaniyang ulo. Hindi naman siguro. Wala naman siyang ginawang masama dito. Baka naman tinatamad lang itong maglakad palabas? O umuwi na ito sa Maynila. "Bakit yata mukha kang malungkot ngayon, Myla?" tanong ni Jenny sa kaniya. Pilit siyang ngumiti sa kabigan niya. "Hindi naman ako malungkot," sagot niya. Tumaas ang kilay ni Jenny. "Hindi raw malungkot." "Kailangan bang tumawa ako kahit na ako lang mag-isa? Baka akalain nila na isa akong baliw," paliwanag niya. Inakbayan siya ni Jenny at pagkatapos ay sinabayan siya nito sa paglalakad. "Sabagay, may poin

