Hard work pays off. Ito ang pinakapaborito niyang motto sa buhay niya. Naniniwala siyang ang lahat ng paghihirap niya ay may kapalit na maganda. Hindi dapat sumuko. Ang lahat ng hirap at pagod na nararanasan, magiging maganda ang kalalabasan. Kung mahirapan man siya ngayon sa pagtatrabaho, dadating din ang panahon na aasenso sila sa buhay. All of your hard work will pay off soon. Napayuko siya upang tingnan ang black shoes niya na ginagamit niya sa trabaho. Sa kaniyang trabaho ay marami na siyang naranasan na hirap. Maliit na bagay lang naman para sa kaniya ang masiraan ng sapatos. Kahapon ay nasira ang kaniyang sapatos ngunit naayos pa rin naman ito. Inaakala niyang tatagal pa ito ng isang linggo ngunit nakikita niya nang malapit na rin itong bumigay. Naalis ulit ang dikit nito. S

