Episode 17

1566 Words

Natatawa na lang ako habang pinagmamasdan kung paano pinaharurot ng matulin ni Santi ang sasakyan niya palabas ng basement kung saan siya naka park. May mga malilit talaga akong batong hawak at isa-isang binabato sa kanya habang siya ay tahimik na naglalakad. Talagang tinawag ko ang kanyang pangalan sa paraan kung paano ko talaga ito bigkasin. Kaya talagang narinig niya ako. Napakalaking tao ay matatakutin naman pala. Duwag naman pala ang walang hiyang lalaking makapal ang mukha. Ang titigas ng mga mukha na nakuha pa talagang magpa-interview pa para makakuha ng simpatya sa madla. Ang gagaling maghugas kamay pero tingnan lang natin kung saan kayo dadalhin ng pagkukunwari niyong mga walang hiya kayo. Sinadya ko rin talaga na dumaan sa likod nila habang kinakausap sila ng isang reporter

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD