“Kuya, sigurado ka bang atin na ang lahat ng kayamanan ng mga Chiu?” tanong ng bunsong kapatid na si Crista. Tumango ako at saka ngumiti. “Oo, atin na ang lahat ng kayamanan pero sa ngayon ay huwag na muna kayong magpapahalata. Marami tayong mga kalaban sa paligid dahil tiyak na ako ang numero unong paghihinalaan ng pagdukot kay Carmencita,” sagot ko sa kapatid ko. “Siyempre naman kuya. Ikaw talaga ang paghihinalaan dahil wala namang ibang paghihinalaan na magkakainteres sa kayamanan ng bobang asawa mo.” “Ikaw ang boba!” sabay batok ni Mama kay Ayin ang sumunod sa akin. “Aray! Bakit ka naman nambabatok, Ma? “ reklamo ng kapatid kong may kahinaan talaga ang utak dahil na rin siguro kakabatok na rin ni Mama sa kanya. “Itikom mo ang bibig mo para hindi ka nababatukan. Kahit kailan ay hi

