“Santi, kailan ba kasi mapupunta sayo ang lahat ng karapatan sa mga kayamanan ng Chiu? Gustong-gusto na namin ng mga kapatid mo na lumayas at mangibang bansa na. Nakakasuka na lagi kaming pinag iinitan ng mga tao sa paligid. Kung naririnig mo lang kung paano nila kami pagsalitaan at pagbintanga ng kung anong nangyari kay Carmencita!” ang himutok ni Mama dahil nakipag-away siya kailan lang sa kanyang mga kaibigan na pinagbibintangan na nga kaming may kinalaman sa pagkawala ng asawa ko. “Kuya, hindi ko na kayang bumalik pa sa kulungan dahil sobrang nakakadiri sa lugar na yon. Baka sa susunod talaga ay makapatay na ako kapag nakarinig pa ng pang iisulto at bintang ibang tao!” ang palatak ni Ayin na kailan nga lang ay nagpalipas ng gabi sa presinto dahil nanggulo sa isang bar at hinampas ang

