“Bakit narito ka na naman? Hindi ba at bilin ko sayo na huwag na muna tayong magkita lalo pa at mainit pa ang mga mata sa akin ng mga kung sinong kalaban dahil sa pagdukot kay Carmencita?” ang naiinis kong tanong ng maabutan ko sa loob ng condo na pag-aari ko. Nakalimutan ko pa lang magpalit. Pinagbawalan ko nga munang magdidikit sa akin si Desiree sa takot na baka maya nakasunod o nagmamatiyag sa akin lalo nga at ako ang lumalabas na pangunahing may motibo sa pagdukot kay Carmencita. Kung bakit kasi hindi ko tinuluyan ng araw na yon? Dapat talaga pinabaril ko na lang siya para agad ng mamatay. Kung bakit pa kasi kailangan ko pang ipaghiganti ang sinapit ni Desiree gayong dapat ay hindi ko na inalala pa. Naging malaking problema tuloy ang kinasasangkutan ko ngayon. Dapat lang na lum

