“Lintik na Carmencita na yan! Mabuti nga ang nangyari sa kanya! Malamang na pinagpiyestahan na ng mga isda sa ilalim ng dagat ang kanyang walang kwentang katawan!” asik ko ng makita na naman sa salamin ang bahagi ng mukha ko na bakas pa rin ang peklat ng pagkakasunog sa mainit na grill kung saan ako isinubsob ng siraulong babaeng yon. Gigil ko rin na inalis ang pagkakapatapong ng wig sa ulo ko dahil ang bagal humaba ng buhok ko na walang awang ginupit ni Carmencita. Napakalakas niya kaya hindi ko talaga siya malabanan. Magtataka pa ba ako? Galing siyang squatter kaya sanay talaga siyang makipagbasagan ng mukha. Hindi ko matapatan ang lakas na ginagamit niya kahit pareho naman kaming babae. Kung tutuusin ay mas malaki at matangkad ako sa kanya ngunit ganun niya na lamang ako mabuhat a

